Contractor ng Malampaya, Kinasuhan ng BIR

NAHAHARAP SA kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang isa pang kontraktor ng Malampaya Fund Infrastructure Projects dahil sa kabiguan nitong pagbayad ng tamang buwis mula sa una hanggang ikatlong quarter ng taong 2008.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na kasong paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 ang isinampa ng ahensiya laban sa Lorenzo Bote Leoncio.

Napag-alaman na ang Leoncio ay sole proprietor ng LB Leoncio Trading and Construction (LBLTC) na nakabase sa Poblacion Narra, Palawan 5303.

Hinggil dito, umaabot sa P18.04 milyon ang hinahabol na buwis ng BIR dahil sa hindi nito pagsumite ng kanilang income tax return (ITR).

Maaalala na ito na ang ika-202 mga kinasuhan na kabilang sa Run After Tax Evaders (RATE) program ng ahensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.