Contempt Order ng Pasay Court, Iaapela ni Abalos

NAKATAKDA UMANONG iapela ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos at abogado nito ang 10 araw na pagkakakulong na ipinataw ni Pasay Regional Trial Court Judge Jesus Mupas dahil sa kasong contempt.

Matatandaan na pinagpaliwanag noon ni Mupas si Abalos at Atty. Brigido Dulay kung bakit hindi dapat mapatawan ng parusa ang mga ito, sa kanilang alegasyon na tinangka umano ng huwes na humingi ng suhol kapalit ng paborableng desisyon sa kaso ng dating poll body chairman.

Kinumpirma rin ni RTC Branch 112 court sheriff Rodelio Buenviaje na ipinadala ng korte ang contempt order laban sa mga respondent sa National Bureau of Investigation.

Maliban dito, ipinag-utos din umano ni Judge Mupas sa NBI na siyasatin ang sinasabing extortion attempt na isinusumbong ni Abalos.

Sa ngayon, si Abalos ay kasalukuyang nakadetine sa Southern Police District headquarters sa Taguig City dahil sa kasong electoral sabotage. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.