Consumer Group VS Meralco Deposit Bill

NAKAHANDANG DALHIN sa Supreme Court (SC) ng National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE) ang reklamo nito ukol sa bill deposit ng Manila Electric Company (Meralco) oras na iligal umano itong mapatupad.

Ito ang igiinit ni Pete Ilagan, presidente ng NASECORE kasabay ng pagsasabing ikinatuwa naman nila ang pag-atras ng Meralco ng planong pani-

ningil ng bill deposit sa higit isang milyon nitong konsyumer.

Ayon kay Ilagan, dapat umiral at dumaan sa tamang proseso ang anumang dagdag-singil ng Meralco sa mga konsyumer na lalabas sa kanilang mga billing.

“(Kasi) naniniwala tayo na anumang karagdagang burden sa mga consumers o anumang charge na makikita sa ating bill, kailangan ‘yan ay maging subject ng due process. Kailangang magkaroon ng public hearing to uphold the consumers the opportunity to ask why will you be posing an increase in our bill deposit?” ani Ilagan.

Samantala, nang tanungin kung handa uli itong dalhin sa Korte Suprema ang isyu, mabilis ang naging tugon ni Ilagan. “Well, definitely. We will really find ways to protect the consumers from this arbitrary charges.”

Sinabi pa nito na lumalabas na bigla na lang ipatutupad ng Meralco ang regulasyon sa bill deposit nang hindi nalilinaw sa konsyumer ang dahilan at kahalagahan nito.

Ipinaliwanag din ni Ilagan na minsan na itong nagawa ng Meralco at ERC nang ipatupad ang generation charge sa paniwalang ginagarantiya ito ng Magna Carta.

Bagama’t idiniin ng o-pisyal na kinikilala nito ang bill deposit bilang isang tulong din sa Meralco mula sa mga konsyumer na nakasaad din sa Magna Carta, nais lamang niyang maging maayos ang sistema.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.