Construction Worker, Todas sa Kuryente

TODAS ANG isang construction worker matapos makuryente sa loob ng ginagawang bodega sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon si Reynald Demalata, 24 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon, gumagawa ang biktima sa loob ng bodega ni Jon Tan sa Dizon St., Tinajeros at habang gu-magamit ng electric drill ay napunta sa basang parte ng semento ang may talop na wire.

Nakatapak naman ang paa ng biktima sa basang semento na naging dahilan upang magkikisay.

Isang kasamahan ng biktima ang nagpatay ng switch at nang masigurong wala ng koryente ay dinala sa PLM ang biktima.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may pananagutan ang may-ari ng bodega na naganap na insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.