Construction Worker, Todas sa Kamao ng Sekyu

PATAY ANG isang construction worker makaraang suntukin sa panga ng isang security guard matapos magkahamunan ng suntukan sa Quezon City kamakailan.

Binawian ng buhay si William Velozo, 27, matapos matumba sa suntok na tumama sa kanyang kaliwang panga bago humandusay sa hilera ng bato sa kalye, ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may hawak ng kaso.

Ang biktima ay nakasuntukan ng security guard na si Robet Medel ng Brgy. Damayang Lagi sa lungsod.

Base sa report, naganap ang insi¬dente sa kahabaan ng 11th St., ng Brgy. Damayang Lagi ganap na alas-5:45 ng hapon.

Bago ang suntukan, ka¬sama ng biktima ang barangay tanod na si Constancio Salem na nakatayo sa lugar at nagkukwentuhan nang dumating ang salarin na armado ng 12 gauge shotgun at kinompronta ang biktima.

Sinagot ng biktima ang suspek ng katagang “hindi ako lalaban sa ‘yo dahil may baril ka, kung gusto mo suntukan na lang tayo.”

Pinagbigyan naman ng salarin ang gusto ng biktima saka nagpasyang iabot nito ang kanyang baril kay Salem saka biglang inupakan ng suntok sa panga si Velozo.

Sa lakas ng suntok, agad na bumulagta ang biktima sa may mabatong kalye, at nang makita ito ng suspek ay saka kinuha ang kanyang service firearm kay Salem saka naglakad papalayo patungong bakanteng lote na kanyang binabantayan.

Samantala, agad namang isinugod ng kanyang kapatid ang biktima sa Delgado Hospital pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.