Construction worker, todas sa bubong

BASAG ANG BUNGO ng isang construction worker makaraang aksidenteng mahulog ito sa bubong habang ang una ay nagkukumpuni sa isang pabrika kamakalawa ng hapon sa Valenzuela.

Ang biktima ay nakilalang si Rowie Marina Castillo, 32, may-asawa, construction worker, ng F. Dulalia St., Brgy. Lingunan, Valenzuela, na agad nasawi sanhi ng malakas na pagkakabagsak at pagtama ng ulo nito sa isang bakal.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:15 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa Great Asia Industrial Sales Corporation, na matatagpuan sa # 29 Gregorio St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nagkukumpuni ang biktima sa bubong ng naturang pabrika nang aksidente nitong maapakan ang ilang parte ng bubong na yari sa plastic.

Dito, nagtuluy-tuloy na bumagsak si Castillo at tumama sa bakal ang ulo nito na naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan.

Agad namang humingi ng tulong ang ilang kasamahan ng biktima sa pulisya upang ipagbigay-alam ang nasabing insidente.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.