Construction Worker, Tepok sa Resbak

PAGHIHIGANTI ANG nakikitang dahilan sa pagkamatay ng isang construction worker makaraang barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang salarin habang ang biktima ay naglalakad kahapon ng umaga sa Malabon City.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril si Noriel Del Rosario, 29 at resident eng # 105 Sanciangco St., Catmon ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa naman ang Malabon PNP ng paghahanap laban sa dalawang hindi nakikilalang suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang nasabing pamamaril.

Ayon kay SPO1 Edcel Dela Paz, may hawak ng kaso, dakong alas-3:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa madilim na lugar ng Teacher Village, Catmon.

Bago ang insidente, ang biktima ay may nakaaway na dalawang barangay tanod ng Catmon na isang alyas “Martin at Ron-Ron”.

Matapos nito si Del Rosario ay umuwi na sa kanyang bahay at makalipas ang ilang saglit ay muli itong umalis para hanapin ang kanyang ina.

Nang hindi nakita ng biktima ang kanyang ina ay nagpasiya nang umuwi uli, subalit habang ito ay naglalakad sa nasabing lugar ay hinarang ito ng dalawang suspek.

Walang sabi-sabi ay isa sa mga suspek ang kaagad na pinutukan ang biktima na tinamaan sa ulo at likod na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktima habang ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Construction Worker, Tepok sa Resbak

  1. ako po yung kapatid yang laman ng balita na si noriel del rosario tanong kulang po may video po ba kayo na binalita sa tv yang laman na balita.gusto kulang po kasi makita ang kapatid ko kahit sa vid eo manlang po.sana po matanggap ko po ang repyly nyo .o kaya naman po I Link na po nyo sa e mail ko..salmat po…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.