Construction Worker, Patay sa Dating Tanod

 

PATAY ANG construction worker matapos pagsasaksakin ng dating barangay tanod sa labas ng bahay ng kapatid ng una sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

 

Dead on arrival sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Reynante Acosta, 47 ng San Agustin ng lungsod.

 

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jonathan Bacud, 27, at kalugar ng biktima.   

 

Batay sa ulat, alas-8:30 ng gabi, nasa tapat ng bahay ang biktima ng kapatid na si Rodolfo sa nasabing lugar habang tinatawag ng una ang huli nang lumapit ang suspek at tinanong kung bakit nito hinahanap ang isang Tyson Bacud.

 

Naasar ang biktima sa pagtatanong ng suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang sa magsuntukan kung saan nagawang mabunot ng huli ang dalang patalim bago pinagsasaksak si Reynante.

 

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM kung saan inaalam na kung sino si Tyson Bacud at ano ang dahilan upang hanapin umano ng biktima.

 

 (MARY H. SAPICO)

 

Lasing, Patay na Nang Lumutang sa Creek

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.