Construction Worker, Natagpuang Patay

PATAY NA nang matagpuan ang isang construction worker na laslas ang leeg at may saksak sa tiyan habang nakahandusay sa ginagawang bahay sa Valenzuela City Martes ng madaling-araw, Disyembre 13.

Nakilala ang biktima na si Divino Bagsengit, 23 ng 8th Avenue, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng madaling-araw nang makitang duguang nakahandusay ang biktima ng mga kasamahan sa ginagawang bahay sa Metro Villa, Mapulang Lupa ng lungsod.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang pumaslang sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.