Construction Worker, Natabunan ng Lupa

PATAY ANG isang manggagawa ng DDT construction, ang contractor ng Ayala, matapos matabunan sa gumuhong lupa kamakailan sa Claro M. Recto St. sa Cagayan de Oro.

Kinilala ang biktima na si Tony Bravo, isang construction worker.

Ayon kay P/Capt. Elmer Robas, hepe ng Cogon Police Station, nag-watering ang biktima sa isang butas na napuno ng tubig.

Binabalaan daw ng kanyang kasamahan sa trabaho ang biktima na iwasan ang naturang butas dahil lumambot na ang lupa nito.

Dali-daling umalis si Tony palayo subalit naiwan ang kanyang gamit sa butas kung kaya’t binalikan niya ito ngunit kaagad na gumuho ang lupa dahilan upang siya’y matabunan.

Dinala pa sa pagamutan ang nasabing biktima su-balit hindi na ito nailigtas pa ng mga doktor. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.