Construction Worker, Kritikal sa Maso ng Foreman

KRITIKAL ANG isang construction worker matapos hatawin ng maso sa mukha ng kanilang foreman makaraan ang pagtatalo habang nag-iinuman sa labas ng construction site sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Luisito Requerto, 22 ng Potrero ng lungsod.

Nakatakas naman si Noel Bacabis, 36 ng Dulo Lambakin, Marilao, Bulacan.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, kainuman ng biktima ang suspek at ilang mga kasama sa labas ng construction site sa Mango Road, Potrero ng lungsod nang biglang magtalo ang mga una.

Pumasok sa loob ang biktima na sinundan ng suspek na kumuha ng maso bago inihataw sa mukha ng una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima kung saan inaalam na ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.