Construction Worker, Kinatay na Parang Baboy

NAGMISTULANG BABOY na kinatay ang isang construction worker makaraang pagtripang saksakin sa leeg at iba pang parte ng katawan ng isang hoodlum habang ang biktima ay nakaupo sa kahabaan ng Sawat, Maypajo, Brgy. 35, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng saksak ang biktimang si Benjie Maligaya, 30, construction worker, at residente ng 3318 Sawata St., Maypajo ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang Caloocan PNP laban sa suspek na nakilalang si Arnold Consurte, nasa hustong gulang, dating bilanggo at walang permanteng tirahan.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa biktima malapit sa isang lamayan ng patay hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Lumalabas sa im-bestigayon ng pulisya, kasalukuyan nakaupo ang biktima sa nasabing lugar nang bigla lapitan ng suspek at agad na inundayan ng saksak sa tiyan.

Nagawang makatakbo ang biktima kung kaya’t hinabol ito ng suspek at nang abutan ay muling inundayan ng isa pang saksak sa likod at nang humandusay ang una sa kalsada ay kinabayo ito ng huli at saka mu-

ling pinagsasaksak sa leeg at iba pang parte ng katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek.

Napag-alamang ang suspek ay labas-masok sa kulungan dahil sa mga kinasasangkutang krimen kung saan kapag nagti-trip ito ay basta na lang nananaksak ng tao ng walang dahilan.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.