Construction Worker, Inatado ng Vendor

SA HALIP na sibuyas at suka, taga sa likod at leeg ang tinamo ng isang construction worker habang bumibili sa isang tindahan sa Brgy. Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon kay Supt. Joel Estaris, SJDM City Police chief, dead on the spot ang biktima na nakilalang si Mario Meneses, 46 anyos, may-asawa, nakatira sa Purok 5, Paradise 1, Brgy. Tungkong Mangga.

Agad namang nadakip ang suspek na si Daniel Goron, 22, binata, vendor at residente rin sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas-9:30 ng umaga sa harapan ng isang tindahan sa Purok 5, Paradise 1, Brgy. Tungkong Mangga.

Bumibili umano ang biktima ng suka at sibuyas sa tindahan nang dumating ang suspek na may dalang jungle bolo at walang sabi-sabing tinaga ang construction worker.

Agad namang hinabol ng mga istambay na nakakita ng insidente ang suspek at sa tulong ng mga elemento ng Compac 1 patrol team ay agad na nadakip ang suspek.

Narekober ang jungle bolo na ginamit ng suspek sa madamong lugar malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, inamin naman ng suspek ang naturang pamamasalang kaya nahaharap ang suspek sa kasong Murder.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.