Conspiracy sa Isyu sa Sabah, Kathang-isip Lang

TAHASANG TINAWAG ng kampo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na bungang-isip lamang  ang ipinipilit  ng pamahalaan na “conspiracy theory” kaugnay sa nagpapatuloy na standoff sa isla ng Sabah.

Ayon kay sultanate spokesperson Abraham Idjirani, muli nitong iginiit na walang katotohanan ang paratang ng gobyerno na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng kani-lang panig at ilang sektor para siraan ang administrasyong Aquino.

Matatandaan na mismong ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang nagkumpirma sa pagkakatukoy ng umano’y sabwatan para humantong sa ganitong krisis ang sitwasyon sa Sabah, Malaysia.

May pahiwatig din ang Pangulo na galing sa nakaraang administrasyon ang kasabwat bagama’t walang kategorikal na pinangalanganan.

Samantala, sa kabila ng pahayag ng Pangulong Aquino, tiwala naman si Idjirani na hindi ito makapipigil sa kanilang mga tagasuporta at naniniwala sa kanila para ituloy ang hangaring mabigyang pagkilala sa inaangking teritoryo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.