Congratulations, Direk Neal Tan!

OLA CHIKKA! NAGING matagumpay ang world premiere ng pelikulang Tarima na isinulat at idinirek ni Direk Neal “Buboy” Tan noong Sabado ng gabi sa CCP Main Theatre. Ito ay pinagbibidahan ni Fanny Serrano na maituturing na unang pelikula niya as he comes back to showbizness after ilang decades of concentrating sa fashion world. Makikitang hindi pa rin kumukupas ang kanyang pag-arte, dahil nagagawa pa rin nyang madala ang mga manonood sa mga bawat eksena niya.

Outstanding din as usual ang pag-arte ni Ms. Gloria Romero dahil sa pang-aaping ginawa niya sa pelikula ay halos kagalitan na siya ng mga manonood.

Maging ang kapareha ni Fanny na si Rocky Salumbides na dating PBB housemate ay pinatunayang hindi lamang siya basta housemate, kundi ipinakita niyang he’s also an actor.

Lahat ng artista at staff ay nagtrabaho nang mabuti kaya naging isang successful ang premiere nito. Maging ang inyong yours truly na kahit maiksi ang role ay bongga rin sa pag-arte. Pak!

Talagang mapapabilib ka sa mga gawa ni Direk Buboy, dahil sa pamamagitan ng kanyang pelikula ay ipinakikita niya ang reality ng buhay. Sinasabing ang Tarima ay isang gay movie, pero kapag napanood n’yo ito, hindi n’yo makikitang tumatakbo lamang siya sa relasyon ng dalawang lalaki. Ang istoryang ito ay hango pala sa totoong buhay, kung saan isang kaibigan ang nagkuwento sa kanya.

At bilang isang magaling na direktor, ay naipakita niya ito sa pamamagitan ng
nasabing pelikula.

Kaya lamang ay hindi man lang nabigyan ng credential or acknowledgement ang taong pinagmulan ng istoryang ito kaya in behalf of the whole Tarima staff… MABUHAY KA ISMAELI FABATINI!!

SA PREMIERE NIGHT nga ng Tarima ay nakausap ko itong si Chokoleit at dinipensahan ang sarili laban sa mga paninira nitong si Cristy Fermin sa kanya. Ayon sa kanya wala naman daw katotohanan ang mga pinagsasasabi ng babaeng iyon, at in fact lahat lang daw ng iyon ay pawang mga paninira lamang.

At in fairness naman, ayon pa rin sa komedyante, mas lalong dumarami ang kanyang raket lalo na ngayong patuloy pa rin siyang tinitira ni Cristy. Kaya ano man ang sabihin laban sa kanya, wala raw siyang keme. Kasi puro kasinungalingan lamang, and at the same time, nakatutulong pa sa kanyang career dahil bad publicity is still a publicity. Flangak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong singer na napapanood sa isang game show ng malaking istasyon, kung saan maraming babae ang nahuhumaling sa kanya, kaya lang ay nadi-disappoint din sa bandang huli matapos matuklasan ang malansang amoy nito?

Tama!! As in something’s fishy dahil sa kabila ng kanyang kaguwapuhan, pumipilantik din pala ang mga daliri nito. Tama nga ang mga kababaihan! Sayang, ang guwapo pa naman at ang ganda ng boses ngunit… BADING!

Sino itong singer na ito? Hindi siya kasikatan pero kapansin-pansin talaga ang kanyang galing sa pag-awit at kaguwapuhan kapag kumakanta na siya para ipahula sa mga contestants ng game show ang kanta… ‘yun na!
Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Congratulations, Direk Neal Tan!

  1. AY EWAN SA DAMING BAKLA SA SHOWBIZ EH HIRAP ATA MAHULAAN YAN SYA MGA ATENG JOIN ME NA LANG HAHAHAHHAHAHA DIVA PAPA P?

  2. si billy crawford or luis manzano ang BI

    ” galing sa pag-awit at kaguwapuhan kapag kumakanta na siya para ipahula sa mga contestants ng game show ang kanta”
    db panahon ko ito and game show na nagpapahula ng kanta.

  3. ilusyunadang bakla. World premiere ka pang nalalama eh sa CCP lang pala hahaha. World premiere na sayo yun? Eh may mga travel ban na nga sa pinas ngayon hahaha hindi ka lang chaka, may pagka-bobita ka rin naman. Isingit pa ang sarili eh no? Di lang makatiis atcheng?

Leave a Reply

Your email address will not be published.