Cong. Tiangco, suportado ng mga taga-Navotas

SINUPORTAHAN NG mga taga-Navotas, iba’t ibang sektor at mga non-government organization (NGOs) si Rep. Toby Tiangco sa pag-harap nito sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa mga mamamayan ng Navotas, naniniwala sila kay Tiangco dahil buong tapang nitong hinarap o sinagot ang bawat katanu-ngan ng mga senator-judge.

“Sinabi lang ni Tiangco kung ano ang tunay na pangyayari kung bakit hindi siya lumagda para sa impeachment trial ng chief justice,” wika pa ng mga residente.

Dahil dito, tumibay ang suporta ng mga nabanggit kay Tiangco dahil hindi ito natakot sa banta sa kanya na ititiwalag ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso kapag tuluyang tumestigo ang nasabing kongresista na pumapabor kay Corona.

Sinabi ni Tiangco, pinaninindigan niya ang kanyang mga inihayag sa impeachment trial at haharapin niya ang anumang posibleng parusa na igagawad sa kanya ng mga kasamahan sa Kongreso.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.