Cong. Tiangco, pinuri ni Sen. Santiago

PINURI NI Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago ang ‘katapangan’ ni Navotas City Rep. Tobias Tiangco sa muling pagharap ng kongresista sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona bilang testigo ng depensa kahapon.

Ani Santiago, si Tiangco ay isang ‘iconoclast’. Ayon sa senador, ang iconoclast ay “a person who goes around in a sacred temple… smashing false idols.”

Sinabi naman ni Tiangco na pumayag siyang tumestigo para kay Corona dahil gusto niyang mapanindigan ‘under oath’ ang kanyang privilege speech sa Kongreso.

Nauna nang sinabi ni Tiangco na hindi siya pumirma sa impeachment complaint dahil sa nakita niyang kawalan ng ebidensiya at ‘probable cause’ para sa nasabing complaint, at nagagamit lang umano ang Kongreso sa kung anumang ‘measures’ na gusto ng administrasyon.

Sa kanyang privilege speech din nagbitiw si Tiangco sa mayorya at sa lahat ng komiteng hinahawakan niya sa Kongreso, dahil na rin sa aniya’y ayaw niyang maging ‘stampad’ ng Palasyo ang institusyong pinagsisilbihan niya.

Sinabi ni Santiago kay Tiangco na nasa unique na posisyon ang kongresista dahil tumetestigo ito laban sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso.

“You are alleging that your colleagues are guilty of corrupt practices?” tanong ng senador kay Tiangco.

“Not all of them… only those who threatened us during the all-majority caucus,” sagot naman ni Tiangco.

Nagpatuloy pa si Santiago sa pagbasa ng legal definition ng krimen na ‘grave coercion’, at tinanong niya si Tiangco kung pakiramdam ba nito ay guilty rito ang liderato ng Kamara.

Sinagot naman ito ni Tiangco na: “Not only to that situation, even to the situation yesterday when the majority leader came out with statements that I will be expelled from Congress.”

Mistulang na-impress naman si Santiago kay Tiangco, at idineklara nito sa kongresista na “you will either end up a national hero in the eyes of the public, or a heel in the eyes of your colleague.”

Hindi naman nagpahayag ng anumang ‘objection ang mga abogado ng prosekusyon sa panahon ng pagtatanong ni Santiago kay Tiangco. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Cong. Tiangco, pinuri ni Sen. Santiago

  1. Victor ikaw ang definido may SAYAD sapagkat pinagnanasahan mo si Brenda sayad. Ang asim na ng mukha  pinagnanasahan mo pa! Kadiri ka.!wala kang delikadesa!

  2. Viktorio Malibog….IKAW YATA ANG MAY SAYAD….??????? SA MGA PINAGSASABI MO….BUTI NA LANG MAY ISANG TIANGCO NA MAY PANININDIGAN…….MABUHAY KA TIANGCO… 

  3. Miriam  BRENDA ka talaga ang laki ng sayad mo sa utak. Kulang ka siguro sa iyot kasi nga ang pangit mo kaya ka nagka sayad sayad.  BRAIN DAMAGE KA!

  4. Sa lahat naman si sayad miriam lang ang pumuri kay Tionggo eh Tiangco pala. PaRheno lang sila may sayad kaya sil nagpurihan sa isat-isa. Samntalang sina Enrille ,Jinggoy,PAngilinan atiba pa ay sinabi na irrelevant ang pinagsasabi ni Tionggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.