Cong. Tiangco, Ipinagtanggol ang Sarili

NILINAW KAHAPON NI Navotas lone district Representative Tobias Tiangco na kailanman ay hindi siya magiging kapanalig ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Ito ang naging pahayag ni Tiangco dahil sa paratang ng ibang kongresista na nakuha na ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang simpatiya ng una.

Nag-ugat ang nasabing isyu nang tumayo sa session hall si Tiangco at ipabura sa record ang masasamang salita ni Akbayan Rep. Walden Bello na nagsasabing magnanakaw si Rep. Arroyo.

“I moved that some portions of the speech be stricken off the records because I believe that those particular portions were ‘unparliamentary’,” ani Rep. Tiangco.

Sinabi ni Tiangco na hindi gawain ng disenteng lawmaker ang magsalita sa podium para lang libakin ang kapwa niya kongresista. Kahit pa kung sino aniya ang mambabatas na gagawaran ng masasamang salita ay ipagtatanggol nito, nagkataon lamang na si GMA ang laman ng privilege speech ni Rep. Bello.

Sinabi rin ni Tiangco na mananatili siyang loyal sa kanyang partido, ang Puwersa ng Masang Pilipino ni dating Pangulong Joseph Estrada.

“Under section 120 of the Rules of the House, privilege hour may be interrupted if it will inflict injury or harm on the person or integrity of a member. I felt that those statements violated this rule. I am not a GMA ally and it is not about defending GMA. It is the principle of upholding and adhering strictly to the rules of the House,” paliwanag pa ng mambabatas.

Binigyang-diin pa ni Tiangco na simula pa noong 2001, nanatili siyang oposisyon at kritiko ni dating Pangulong Arroyo.

(Roman Magpoc)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Cong. Tiangco, Ipinagtanggol ang Sarili

Leave a Reply

Your email address will not be published.