Cong. Manny Pacquiao, nabigla sa pagpapakasal ni Krista Ranillo!

IN FAIRNESS KAY Rhian Ramos, wala siyang sinasabi laban kay JC de Vera kahit may mga sinasabi itong huli na hindi maganda sa young actress.

May mga sinasabi pa si JC na naihahalintulad daw niya si Rhian sa isang eraser na dapat burahin na ang kung ano mang pinagsamahan nila noon. Meron pa siyang sinasabing kinunsider na lang daw niyang magandang learning experience ang kung ano mang relasyon niya kay Rhian.

Nu’ng nag-guest si Rhian sa Showbiz Central nu’ng Linggo, tinanong ito kung sino sa mga lalaking na-link sa kanya ang hindi niya makalimutan. Si JC ang sagot niya. Wala siyang sinasabing hindi maganda sa aktor kundi pinupuri pa niya ito.

Siguro dapat manahimik na rin si JC dahil hindi naman pinatulan ni Rhian ang mga sinabi niya. Para positive na nga, wala na lang patutsadahan dahil may pinagsamahan naman sila, ‘di ba?

Ang dating tuloy, parang ginagamit lang ni JC si Rhian para mapag-usapan lang. Bilang gentleman, dapat huwag na siyang magsalita ng ‘di maganda kay Rhian.

Buti na lang nandiyan si DJ Mo Twister na nagtatanggol naman kay Rhian. Sila pa rin kaya?

Kasali ngayon si Rhian sa bagong telefantasya ng GMA Telebabad na Ilumina at si Aljur Abrenica ang ka-partner niya rito.

Naku, ‘Day! Tiyak kong mali-link ang dalawang iyan. Kung totoong wala namang namamagitan kina Aljur at Bianca King, I’m sure magkakagustuhan ang dalawa. Abangan n’yo na lang!

Halos lahat pa naman ng naka-partner ni Rhian ay nali-link sa kanya, at ganu’n din si Aljur. Kaya kung sakaling magkagustuhan sila, wala naman sigurong kokontra. Bagay naman sila, ‘di ba?

Kasali rin pala si Jackie Rice sa Ilumina, pero malabong ma-link ito kay Aljur dahil may non-showbiz boyfriend naman ang hitad. Mukhang in love na in love pa naman du’n si Jackie.

Abangan n’yo na lang sa Lunes itong bagong telefantasya ng GMA-7. Bukas sa Startalk, special guest ang mga bida rito para sagutin ang iba’t ibang isyung kinasasangkutan nila.

NABIGLA SI CONG. Manny Pacquiao nang tinanong siya ni Lhar Santiago sa SONA nu’ng nakaraang Lunes, kung ano ang reaksiyon nito sa balitang balak na pagpapakasal ni Krista Ranillo sa childhood sweetheart daw niya.

Matagal daw bago siya nakasagot, pero siyempre pa-safe ang sagot niyang good luck daw kay Krista at sana masaya raw ito palagi. Wala naman daw siyang masasabi sa desisyon ng kontrobersiyal na aktres.

Ang dinig ko, sa susunod na linggo na ang kasal ni Krista at pawang pamilya lang daw nila ang dadalo at itatago nila ito sa media. Pero balak din daw nilang magkaroon ng malaking kasal at selebrasyon na malamang gagawin nila rito sa Pilipinas.

Hindi pa nagsalita si Krista tungkol sa balak na pagpapakasal. Pero uuwi naman daw siya rito, kaya abangan na lang natin.

Ano naman kaya ang reaksiyon dito ni Jinkee Pacquiao?

Bongga pala si Jinkee sa SONA, huh! Ang ganda niya sa suot niyang gown na gawa ni Pepsi Herrera. Ang napansin lang ng mga bakla, parang meron daw siyang binago sa mukha niya. Hindi lang daw nila sure kung ano ang pinaayos nito, pero parang nagpaayos daw ito ng ilong? ‘Di ko lang sure, ha?

Biro nga ng mga bakla, hindi na raw kamukha ni Jinkee ang kakambal niya dahil lalo itong gumanda.

Matanong ko nga si Dra. Vicki Belo!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleMadalas maubusan ng pera dahil sa bisyo: Guwapong Young Actor, Text Brigade ‘Pag Nagpapa-booking!
Next articleSa pagbabalik ni Kris Aquino, Mariel Rodriguez out na kay Robin Padilla?!

No posts to display