Cong. Lani Mercado at Direk Ricky Davao, magkakasama sa Magpakailanman

1 Ricky-Davao 1 Ricky-Davao-Lani-Marcado Magpakailan-Man Ricky-Davao Ricky-Davao-Lani-MarcadoNAPILI NG production ng Magpakailanman, ang weekly drama anthology ng GMA7 sina Congresswoman Lani Mercado at actor-director Ricky Davao na pagsamahin sa isang episode na pang-holiday season at pampamilya na nakatakdang ipalabas sa darating na Disyembre 20.

Ang tema ng istorya ay tungkol sa isang MMDA officer na may matatag na paninindigan na makapagserbisyo sa gobyerno bilang isang traffic enforcer. Siya si Fernando Gonzales sa kanyang ika-dalawampung taon na sa serbisyo at nasa ikatlong ranggo na sa kasalukuyan. Si Ricky Davao ang gumanap sa kanyang role. Samantalang si Lani Mercado naman ang gumanap na kanyang maybahay na si Gng. Maribeth Gonzales.

Nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki na ngayon ay pawang mga binata na at nagsisipag-aral. At dahil pangkaraniwan lang ang kanilang buhay, naisipan nilang gumawa ng paraan kung paano madaragdagan ang kanilang kita. Nagluto ng mga kakanin si Misis at itinitinda niya ito sa malapit sa trabaho ni Mister. Kailan man ay hindi pumasok sa isipan nila na gumawa ng mga maanomalyang pamamaraan na alam nilang walang maidudulot na buti sa kanila. Dahil na rin sa tiyaga, naabot din ni Mang Fernando ang kanyang pangarap na umangat ang kanilang pamumuhay kaysa pangkaraniwan.

Sina Lani at Ricky naman ay hindi na nagdalawang-isip na tanggapin itong inialok na project sa kanila. Maganda at pampamilya na tamang-tama ngayong Pasko. Kapupulutan ito ng aral at tatatak sa inyong puso, kaya abangan.

Ang MKM host na si Mel Tiangco ay lubos na nagpapasalamat sa mga patuloy na sumusuporta at sumusubaybay ng kanyang programang Magpakailanman na ngayon ay nagdiwang ng ika-12 anibersaryo noong nakaraang Nobyembre.

By Marialuz Candaba

Related Post

loading...

21 thoughts on “Cong. Lani Mercado at Direk Ricky Davao, magkakasama sa Magpakailanman

  1. Daming mga gunggong na fans sa Pinas na patuloy na umiidolo sa mga magnanakaw. Aasa pa ba ang Pinoy na umunlad kung naglipana ang mga fantards na porke artista iboboto na at ginoglorify pa sa kabila ng pagnanakaw? How can Lani not know na nagnanakaw ang asawa niya kung gagamitin niyang defense na di niya alam? Hello? Milyon-milyon ang biglang nadedeposito sa bangko gayung magkano lang ba ang sweldo nila sa kongreso? Kita raw sa pelikula yun. eh kahit walang pelikula may milyon pa rin na dumarating? Baka magic. If she didn’t know, the more she doesn’t deserve to serve in congress dahil di lang siya clueless, brainless siya!

  2. oks yan.. storya naman ng mga mmda para bago,kung gaano kabigat din ang trabaho maghapon bilad sa araw, goog choice of actor and actress welcome back cong lani

  3. maka2 relate ako dyan kasi ang mister ko traffic aide din d2 sa manila sa maliit na sweldo pero na papagkasya basta samasama ang pamilya at nag22lungan

  4. yes at perfect pang christmas special ni ms lanie on TV sa dami ng struggle ng pamilya pag acting parin ang di makakalimutan

  5. ang role pala ni ricky davao sa story ay public servant,,katulad ni kuya bong nagsisilbi din sa bayan sa kabila ng pinagdadaan… panoodin ko pang pamilya

  6. Ano ang kaabang-abang? Kelan pa naging effective actress si Lani? Ah, oo, pag umaakting sa harap ng bobotante magaling. Did she ever win an award? Isipin mo na lang, yung imbes na ipagtatrabaho niya sa kongreso for which the taxpayers have been paying her, eh magshu-shooting na lang si madame. Presto, doble sweldo! Kawawang mga bobotante. Kawawang kaban ng bayan na lagi na lang pinagnanakawan! In a way, this is good for Lani. This is where she belongs, not in the halls of congress where only the intellectuals and effective leaders should roam. Who was it who was quoted in saying: Pag inalis na ang DAP huwag nang manghihingi sa amin ang mga constituents na yan!

  7. pakabusy si Mam lani ngayon tama lang para di cya masyado mastress sa kalagayan ng asawa nya ngyon.. keep it strong lang po :) goodmorning :)

  8. Nice break for Ms. Lani, keep it up! Hopefully makalaya na yung asawa nyo para magkaroon din kayo ng movie with him again.

  9. Ang cute naman ng kwento sana maraming makanood dahil siguradong pag-uusapan ito ng bayan lalo na’t si Ms. Lani ang bidang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published.