Cong. Dan Fernandez, hinahabol ng naanakan!

ISANG BABAENG NASA mid-30s na itago na lang natin sa initial na SK ang biglang lumitaw at nagrereklamo sa radio program ng hard hitting broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa DZXL.

Ang kanyang kino-complain? Ang Laguna representative na si Dan Fernandez.

Sabi ni SK, nagkaroon daw sila ng relasyon ni Cong. Fernandez ten years ago. Nagkakilala sila sa isang mall at naging constant dating partners. Dahil du’n, nagkaroon daw ng bunga ang kanilang pagmamahalan (nga ba?) na ngayon ay isa nang ten years old na batang lalaki.

“Nu’ng nalaman ni Dan na buntis ako nu’n, e, bigla na lang siyang hindi nagpakita. Hindi ko na rin siya nakontak kaya sinolo ko na lang ang problema ko.

“Naipanganak ko ang baby namin at binuhay kong mag-isa sa tulong na rin ng ilan kong mga relatives.

“Pero ngayon, may sakit na ako. Gipit na ako ngayon kaya humihingi ako ng tulong sa father ng anak ko at sana naman e, pag-aralin niya ang kanyang anak sa akin.” Siyempre pa, si Cong. Fernandez ang kanyang tinutukoy.

Ilang beses na raw siyang bumalik sa bahay ni Cong. Fernandez sa Laguna. Minsan na raw siyang nabigyan ng pinansiyal na tulong pero hindi na raw ‘yon naulit. Pina-ban pa raw siya ni Cong. Fernandez sa kanilang subdivision para hindi na siya makabalik pa.

Ipinakita sa amin ni SK ang litrato ng sinasabi niyang anak ni Dan sa kanya and in pernes, guwaping at may hawig nga sa actor-turned-politician. But of course, kakailanganin pa ni SK ng mas mabigat na proof para patunayan ito.

Naghahamon ng DNA si SK kay Dan para mapatunayan niya na kadugo ni Dan ang bata.

Kaibigan namin si Cong. Fernandez kaya to be fair, kinuha rin naming ang kanyang side.

Totoong lagi raw nagpupunta sa kanyang bahay si SK para humingi ng tulong. Bilang public servant, tinutulungan naman daw niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Pero nang inaaraw-araw na raw siya ni SK e, totoo rin daw na pina-ban niya ito sa kanyang bahay.

Hindi raw totoo na nagkaroon sila ng relasyon dahil hindi naman daw ito kilala ni Dan. Ang duda raw niya, pakawala raw ito ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Wala raw problema kay Dan ang magpa-DNA basta’t magsampa raw ng kaso si SK at iuutos ito ng korte.

Hangga’t maaari e, ayaw patulan ni Dan si SK pero handa raw siyang magpa-DNA test kung iuutos ito ng korte.

Anyway, DNA sounds like Dan din naman, nirambol lang ang mga letra, hendehvah?

HMM… BAKIT KAYA nasabi ni Ms. Lorna Tolentino sa grand press conference ng pelikulang Sa ‘Yo Lamang ng Star Cinema na ang pambababae ang pangunahing problema sa mga lalaki?

With due respect sa namayapang si Rudy Fernandez, nagkaroon kaya siya ng matinding problema on that particular issue? Just asking lang naman mga friendship, huh!

Sabi nga ni Boyet de Leon, na isa sa mga lead cast, pag-usapan na lang daw over a bottle of beer at ‘wag nang i-broadcast pa sa media when asked kung namroblema ba si Sandy Andolong sa kanya sa pambabae. Naku, maraming ibig sabihin ang pag-iwas niyang sumagot, huh!

Kasama rin si Diether Ocampo sa cast and we wonder, ang pambababae nga ba ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Rima Ostwani? Esep-esep…

Napag-uusapan lang naman po, dahil ang pagiging tsikboy ang tema ng pelikulang Sa ‘Yo Lamang. Kaya sigurado, maraming matututunan dito ang mga ilaw ng tahanan na meron asawang tsikboy. He-he-he!!!

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

8 thoughts on “Cong. Dan Fernandez, hinahabol ng naanakan!

  1. anak nya yan ,kasi kung ganun na palang inaaraw araw na sya eh di dapat pina pulis nya na lalo pat sabi nya eh pakana ng mga kalaban nya sa pulitika,style mo bulok ulol kurakot ka din!!!

  2. mas ulol ka gago ka tang ina mo..ulo ka gago ka.kaaga nag umpisa ka gago animal ka..kung makita kita sapakin na gago ka.

  3. naman ang ganda ng asawa ni cong.dan f. at mabait na tao yan…kakatuwa naman tong mga taong gusto manira dapat tanggapin na nila na talo sila.
    kaguapa at guapo nang mag asawa at mabait na tao at matulungin gustong sirain ng mga taong dati ng sira.

    • asus,ang dami daming magagandang asawa na hindi pa rin mapigilan ng lalake ang pangangaliwa lalo na pulitiko,bobo ang tanga tanga mo naman!wala yan sa kagandahan ng asawa,nasa pangangati yan ng lalake

Leave a Reply

Your email address will not be published.