Cong. Benjo Benaldo, nagbanta sa mga bumibira sa asawang si Daiana Menezes

MAY MGA bumabatikos kay Daiana Menezes sa paiba-ibang statement nito sa media at sa kanyang mga posts sa photo sharing website na instagram.

Matapos ang panayam nila ng asawang si Congressman Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro’s First District sa The Buzz last Sunday June 16, nagbigay naman ito ng panayam kay Ginger Conejero ng ABS-CBN news last June 18, kung saan sinabi ng Brazilian model na pinagmukha raw siyang stupid ng kanyang asawa.

Pero walang pahayag si Cong. Benaldo tungkol dito.

Noong Lunes, June 24, nagpadala ng statement ang outgoing representative ng Cagayan de Oro sa amin. Aniya, ito na raw ang last niyang pagbibigay ng pahayag sa media. Gusto raw niyang makiusap na tigilan na raw ang sobrang pambabatikos sa asawa na aniya’y “too personal and full of malicious intent to destroy our persons”.

Dagdag pa ni Congressman Benjo, kung hindi pa raw tumigil ang labis labis na pambibira sa asawa, at kung sa pakiramdam nila ay lumagpas na ito sa freedom of speech, hindi raw sila mag-aatubiling gumawa ng hakbang na naaayon sa batas.

Narito ang full statement ni Congressman Benjo Benaldo:

“Hi good afternoon, this is Cong. Benjo Benaldo. This is my reaction on Daianas emotional (in tears) past interviews. This will be my last statement.

“I respect freedom of the press and freedom of speech. However, due to my apparent lack of admission and apology on “TV, several media personalities have relentlessly lambasted and attacked Daiana. I feel for my wife Daiana.

“I believe some of them have been too personal and full of malicious intent to destroy our persons.

“There is a limit to freedom of the press and freedom of speech under our Constitution. The moment that limit is breached, we will never hesitate to file the approriate legal actions.

“We hope that our privacy be respected as we move on from this chapter in our marital life.

“Thank you very much.”

Sana rin lang tumigil na si Daiana sa pagpapa-interview at sa pagbibigay ng mga magkakasalungat na pahayag.

 

NOONG LUNES din, June 24, ang 30th birthday ni John Lloyd Cruz. At nitong Sabado at Linggo, nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na birthday celebration ang box office king.

Last Saturday, June 22, sa isang event ng ini-endorso niyang watch brand, nakasama ni Lloydie ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz. Dito niya naikuwento sa TV Patrol ang tungkol sa inihandang malaking party ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban. Sinabi rin ni John Lloyd na wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya sa ngayon.

Aniya, “I’m in a very good place, wala na akong mahihiling pa… ah, sa personal kong buhay. People can say what they wanna say, but in truth I’m very blessed, and I have my family, I have a very big support system. Ahm, meron akong trabahong… I enjoyed doing, puwedeng (sa) ibang tao to (mapupunta) pero ako ‘yung nandito, kaya nagpapasalamat ako.”

Excited din siya sa inihandang party sa kanya ni Angelica. Kuwento niya, “Angelica is throwing me a big party, feeling ko lahat ng gusto ko, mangyayari sa araw na ‘yun.”

Nangyari ang nasabing party na inihanda ng nobya last June 23 sa Le Pavillion, Roxas Boulevard Pasay City.

Isang private party ang birthday salubong na ginanap sa naturang lugar na personal na inasikaso ni Angelica. Post niya sa kanyang Instagram account, ang litrato nang stage na may mga malalaking mga letrang IDAN ALIENS. Ang ‘Idan’ ayon sa mga usap-usapan ng IG followers ni Angelica ay ang palayaw ni Lloydie.

Patuloy na tinatanong pa rin ng followers ni Angel kung ano ba ang ibig sabihin ng ‘Aliens’, pero wala itong sagot pa hanggang sa ngayon.

Kasunod niyang post ay litrato nila ng boyfriend kung saan makikita ang halikan nila sa labi ng kasintahan. Repost daw ito mula sa IG account ni Direk Ruel Bayani.

Ilan sa mga nag-perform sa birthday niya ay si Charice at si Aiza Seguerra kung saan nakipag-jam pa ang actor sa huli.

Sa ilan pang posts ng isang kaibigan nila, makikita sina John Lloyd at Angelica na sweet na sweet sa isa’t isa.

Ang birthday cake naman ni Lloydie ay may katabing mga bote ng isang brand ng beer, kaya usyuso ng iba, baka isa ito sa maging endorsement ng aktor.

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

9 thoughts on “Cong. Benjo Benaldo, nagbanta sa mga bumibira sa asawang si Daiana Menezes

  1. itsura naman ng benjo na yan,.feeling nya naman naka ginto na sya kay diana kaya todo datong sya,hala cge mangurakot ka ng mangurakot para dyan burikat mong asawa,sana pag bumaha uli dalawa kayong unang maanod

  2. EWAN KO BA DITO SA CONG. BENALDO NA ITO, PARANG DINADAKILA NIYA MASYADO ANG HITAD NA DAIANA NA YAN….DYUSKO AKALA NAMAN NIYA VIRGIN PA ANG HITAD EH SIGURADO NAMANG NAPUKPOK NA YAN NINA SHIVAKERS AT DIREK GB SAMPEDRO HAHAHAHAHA!

    • NAKOH, EH NABAHAG LANG ANG BUNTOT NYAN DAHIL BABANATAN SYA NG GABRIELA AT KUNG ANIK-ANIK PANG AGENCIES. PLUS, DI BA CRIMINAL CASE YANG GANYAN? MAE-EXPOSE SYA AT BAKA IPATAWAG PA NG MGA UHAW SA PUBLICITY NA MGA SENATORS AT CONGRESSMEN. SO, NGAYON, KUNWARI, MAY-I-TANGGOL ANG LOLO KAY DIANA NA MAY PAGKA-LUKRING DIN AT DI MAKAPAG-MAKE UP NG ISIP. NAAAWA LANG AKO KAY DIANA KASI DI NYA RIN NAMAN DESERVE JOMBAGIN SA HINDI NYA BANSA. DEVAH? 

      • DI BA NGA, BINULABOG SIYA NI JOBERT SUCALDITO SA RADIO SHOW SA DZMM TAPOS BIGLANG TUMAWAG ANG LOLO MO AT NAGDADADA NA HUWAG DAW SABIHAN NG MASASAMA ANG LUKRING NA BABAE AT KAWAWA NAMAN DAW AT MAHAL NA MAHAL NIYA DAW ITO HAHAHAHAHAHA! ANG DRAMA HUH! TAPOS NANAKOT PANG MAGDEDEMANDA SA SINUMANG MANGLALAIT KAY DAIANA, KAPAL NG FEZLAK HAHAHAHAHAA! HINDI NAMAN INAANO ANG HILAW NIYANG ASAWA EH, OPINYON LANG ANG SINABI NINA JOBERT NOH! KAKALOKAH!

      • HAHAHAHAHA. NANJOMBAG, TAPOS NGAYON, AAWAYIN KUNO ANG UMAAPI SA JOWA NYA? JUICE MIO! HALA, IPATAWAG NA YAN SA SENADO!

  3. Ay Naku Tongressman Benaldo…… Beki ako ah wag mo kong pagbintangan na bumibira kay Daiana.. Baka si sibanger ang bumira jan kay Daiana mo…Mag syota sila ng mabahong bumbay na yan nung kainitan pa nilang magkasama sa Eat Bulaga…….Pakitanong lang kay Bossing Tongressman Pindeho. He he he he he he he he he

  4. True ka Arniel, baliw-baliwan itong si Daiana. Sino ba ang nagsasalita? Di nga ba’t ang hilong ewan na siya mismo nalilito na sa mga sinasabi niya.
    From now on, no one will take Daiana seriously or better keep her mouth shut! Hibang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.