Cong. Benaldo, Ligtas Na; Pagsisiyasat, Muling Bubuksan Kung Gusto Niya

LIGTAS NA umano sa kapahamakan at stable na ang kalagayan ni outgoing Cagayan de Oro Rep. Benjamin Benaldo.

Ito ang ipinarating ng doktor ni Benaldo sa St. Lukes Medical Center na si Dr. Jose Oreta Jr. sa inilabas na medical bulletin ng mambabatas.

Ayon kay Oreta, tinanggal ang upper lobe ng baga ni Benaldo na tinamaan ng bala kasunod ng umano’y pagbaril nito sa sarili.

Samantala, nakahanda naman umano ang Quezon City Police District na buksan muli ang pagsisiyasat kung makikipag-usap sa kanila ang asawa ng kontrobersyal na Brazilian model na si Daiana Menezes.

Napag-alaman na isinara na ng pulisya ang imbestigasyon sa nasabing  insidente kung saan walang nangyaring  foul play.

Matatandaan na si Benaldo ay nagbaril umano sa sarili sa loob ng kanyang tanggapan sa House of Representatives.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Cong. Benaldo, Ligtas Na; Pagsisiyasat, Muling Bubuksan Kung Gusto Niya

  1. Saksakan pala ng DUWAG si Tongressman Benaldo,, Magbabaril lang eh sa Dibdib pa… Hoy sana sa ulo para tigok kagad at para naman makuha na kagad ni Daiana ang mana nya.  Di ba ”Shivaker” ang bumbay na mabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published.