Confirmed! Sunshine Dizon, 3 ½-months preggy!

KINUMPIRMA NI TITA Dorothy Laforteza na 3 ½ months (at hindi 4 months) nang buntis ang kanyang anak na si Sunshine Dizon nang makausap namin sa telepono last October 19. Ayon kay Tita Dorothy na naninirahan kasama ang mag-asawang Sunshine at Timothy Tan sa Angeles, Pampanga, sobrang saya raw ng mag-asawa dahil matagal-tagal na ring gusto ng mga itong magkaanak.

Ito na nga raw ang sagot sa dasal ni Sunshine na nang una nang napabalitang buntis noon dahil sa pagka-delay ng monthly period. Marami kasi ang nag-akalang buntis ito dahil sa sobrang pagtaba.

Kaya naman nang ma-delay raw ulit ang monthly period ni Sunshine, pumunta na sila ng doctor at nagpa-check-up. Doon nila nalamang positive na buntis nga ang mahusay na aktres. Kaya naman daw kitang-kita ni Tita Dorothy ang sobra-sobrang kasiyahan sa mukha ng mag-asawang Tim at Sunshine .

Wala naman daw partikular na pinaglilihian si Sunshine, pero mahilig daw itong kumain ng kalabasa na siya naman nitong paborito simula pa nu’ng bata siya. At kahit nga raw ang kasarian ng magiging anak ni Tim at Sunshine ay hindi pa nila alam, kahit nagpa-ultrasound na ang award-winning actress. ‘Pag 4 months pa raw malalaman kung babae ito o lalaki.

Sa ngayon, wala pa ring naiiisip na pangalan sina Sunshine at Tim para sa kanilang ang magiging first baby kung lalaki man ito o babae. Pero kambal daw ang gusto ni Sunshine, samantalang lalaki naman ang gusto ni Tim. Pero boy or girl okey lang daw sa mag-asawa basta healthy ang kanilang love child.

At kahit nga ang line up ng mga ninong at ninang ay hindi pa rin daw napag-uusapan nina Tim at Sunshine. Balak din daw bumalik ni Sunshine sa pag-arte pagkapanganak nito, pero magpapayat lang ito sandali dahil medyo tumaba ito.

Ngayon daw, pulos pahinga lang si Sunshine at hindi na muna tumatanggap ng guesting sa kanyang home studio at pass muna sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo dahil mas gusto ng asawa nitong si Tim na nasa bahay lang si Sunshine para maalagaan nito ang pagbubuntis ng asawa.

Gusto nga raw ni Tita Dorothy na magmana sa kanya ang kanyang apo para raw maging rich at sosyal na katulad niya, pero gusto rin nitong makuha ng kanyang apo ang talino ni Sunshine at Tim na summa cum laude at ang magandang height ni Tim.

MAY PAKIUSAP PALA si Keempee De Leon sa mga ehekutibo ng TV 5 na if ever na bibigyan siya ulit ng shows, ayaw na muna nitong tumanggap ng gay role. Bukod kasi sa bakla ang role nito sa Lady Dada, bakla na naman ang role nito sa kauna-unahang Primetime soap ng TV5 na kiligserye na My Driver Sweet Lover na pinagbibidahan ng bagong loveteam na sina JC De Vera at Danita Paner, at mapapanood na sa Oct. 25.

Gusto raw kasi ni Keempee na pahinga muna sa bading role after ng two shows na ganito ang kanyang role. Gusto ra kasi nitong subukan ang pagkokontrabida para naman may bago sa kanya.

Pero if ever naman daw mabibigyan siya ng gay role sa isang pelikula na siya ang bida, game na game siya dahil big break daw sa kanya iyon. Pero kung sa TV ang pag-uusapan, pass daw muna siya.

Bukod kay Keempee, JC at Danita, kasama rin sa My Driver Sweet Lover sina Ms. Dina B., Richard G., JR De Guzman, Yanna Asistio, Pilita C., Nova V., Arci Muñoz, BJ Forbes, atbp. Mula sa mahusay na direksiyon nina Eric Quizon at Soxy Topacio.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Confirmed! Sunshine Dizon, 3 ½-months preggy!

    • Ay!Sinabi mo pa. Gagawin niya tulad ng ginawa niya kay Sunshine–work her to the bone para lang makuha ang luho ni Lola. Ngayon lang nag ka freedom si Sunshine–is to marry. All the best to the newly weds.

Leave a Reply

Your email address will not be published.