Confirmed! Regine Velasquez and Ogie Alcasid’s first child is a baby boy!

SUNUD-SUNOD NAMAN ANG mga negatibong isyung nababalitaan sa showbiz!

Ang latest naman ngayon, itong kasong Rep. Act 9262 na isinampa kay Royette Padilla ng kanyang asawa.

Napabalita nu’ng kamakalawa lang ang pananakit diumano ni Royette sa kanyang asawa dahil ayaw raw nitong ibigay ang kanyang anak.

Parang magulo ang mga pangyayari. Pero ang hindi lang maganda rito, si Robin Padilla na naman ang damay dito dahil siya ang kilala, eh.

Sinubukan nga ng Startalk crew na hingan ng reaksyon dito si Robin, pero wala pa muna siyang maibigay na statement.

As of presstime, wala pang pahayag ni Royette pero mukhang pursigido na ang asawa niya na ituloy ang kaso.

Abangan na lang natin ang susunod na mangyayari.

Ano na naman kaya ang nararamdaman dito ni Mommy Eva?

 

CONGRATULATIONS PALA SA mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil natupad din ang wish nilang magiging baby boy ang kanilang pa-nganay.

Sabi nga ni Ogie nu’ng huling na-interview ito ng Startalk, ang dami raw nagsasabing girl ang ipinagbubuntis nito, dahil maaliwalas ang mukha nito na parang lalong gumanda kahit may katabaan. Pero ayaw raw maniwala ni Regine dahil malakas daw talaga ang pakiramdam niyang baby boy ito.

Tama nga siya, dahil siya ang nanay, eh! Kaya tuwang-tuwa si Ogie pati ang mga anak niyang sina Sarah at Leila sa Australia dahil gusto rin nila ng baby brother.

Sa August daw nakatakdang magbakasyon si Ogie sa Australia para dalawin doon ang mga anak niya. Magandang pasalubong daw itong ibabalita niya.

Madalas nga raw ang tawagan nina Michelle Van Eimeren at Regine at binibigyan niya ito ng mga tips ngayong limang buwan na siyang buntis.

Nagpapasalamat naman si Ogie dahil nalagpasan na raw ng asawa niya ang hirap ng isang buntis. Sabi nga niya; “Ngayong nalagpasan na namin ang first three months, nakahinga na kami nang maluwag. Sabi niya sa akin, ‘honey hindi na ako nag-aalala’. ‘Pag manggaling iyan sa asawa mong buntis, ano ka na rin, panatag ka na rin.”

Napagkasunduan na rin pala nina Ogie at Regine na hindi na nila gagawing junior ang baby boy nila. Sabi ni Ogie, parang hindi na raw bagay sa panahon ngayon ang pangalan niya at ng tatay niyang Herminio.

Ang pinag-iisipan daw nilang ipa-ngalan ay Timothy Joseph. Pero iniisip din ni Ogie na baka gamitin pa rin nila ang Herminio pero sasamahan daw nila ng isa pang pangalan para medyo bago naman.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Confirmed! Regine Velasquez and Ogie Alcasid’s first child is a baby boy!

  1. rachel..talagang hanggang dito ba naman ehh binabandera mo yung mga tweets na ya..hindi ka pa ba nagsasawa jan?!

  2. hey albie..gumagawa ka ng issue huh..ehh yng username mo nga eh scandalous talaga..pano kaya kung sabihin na ikaw ang ama ng baby ni andi…haha..para quits!

  3. success pala itong turok na ginawa ke regine at least nakahabol pa bago mag menopause hehehe….

Leave a Reply

Your email address will not be published.