Confirmed! Rachelle Ann Go at John Prats, mag-dyowa na!

SA POST-BIRTHDAY DINNER ng senior vice-president ng Viva Communications/Viva Artists Agency na si Veronique del Rosario-Corpus na ginanap sa condominium unit ng kanyang amang si Boss Vic del Rosario recently, dumating ang kanyang mga alagang sina Mark Bautista, Cristine Reyes, Rachelle Ann Go at Anne Curtis bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sa apat na sikat na mga alaga ng birthday celebrator, si Mark lang ang walang kasamang special someone.

Kasama ni Anne na dumating sa birthday celebration ni Veronique ang guwapong boyfriend nitong model na si Erwan Heussaff. Si Rayver Cruz naman, siyempre, ang escort ni Cristine. Habang ang ka-date naman ni Rachelle Ann that night ay si John Prats, wala nang iba.

INAMIN NI ERICH Gonzales sa amin matapos ang presscon proper para sa kanyang bagong endorsement ng cosmetics line na minsan n’ya nga raw nakasama si Derek Ramsay at mga kaibigan ng aktor.

Mula sa taping daw nila (na Magkaribal siguro noon) ay inimbitahan daw ni Derek si Erich dahil gustong makilala ng mommy ng huli ang young actress, kung saan nandoon din daw ang mga kaibigan ng hunk actor.

Hindi naman daw totoo na nanliligaw sa dalaga ang kasamahan nito sa Shout Out na si Enrique Gil. Naging close daw ang dalawa dahil sa kanilang afternoon show at lumalabas pa-minsan-minsan kasama ang ilan din nilang kasamahan after the show. Pero wala raw talagang ligawang nangyayari at lalong hindi sila.

Masaya kami dahil nakalabas na ng ospital nu’ng Sabado lang ang ate ng aming kaibigan sa panulat na si Rommel Placente na inatake at na-stroke nitong unang araw ng taon.

Nakakatuwa dahil ilan sa mga taga-showbiz industry ang buong-pusong tumulong sa pamilya ni Rommel, gaya nina Senators Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada, Tates Gana, mag-inang Pinty at Toni Gonzaga, Willie Revillame at Boy Abunda.

Maging ang kapatid ni President Noynoy Aquino na si Kris Aquino ay sinubukan naming lapitan para makatulong ngunit nabigo kami. Nakakalungkot mang isipin, pero wala kaming natanggap na reply mula kay Kris nang i-text namin ito.

PERSONAL: BELATED HAPPY 3rd birthday to Ogie Diaz’s daughter and my inaanak, Georgina! Happy birthday to Tito Alfie Lorenzo (January 26), Ms. F as in Fernan de Guzman (January 27), and Len Llanes (January 30)!

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

2 thoughts on “Confirmed! Rachelle Ann Go at John Prats, mag-dyowa na!

  1. Pingback: Tweets that mention Confirmed! Rachelle Ann Go at John Prats, mag-dyowa na! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.