‘Confidential’ counter-affidavit, inihain Corona, humarap sa DOJ

HUMARAP NA si dating Chief Justice Renato Corona sa Department of Justice (DoJ) para maghain ng kanyang ‘confidential’ counter-affidavit kaugnay sa kinakaharap na tax evasion case kahapon.
Ihinirit ni Corona na gawing confidential ang isininumiteng kontra-salaysay, sa kabila ng pagiging public document nito at pagiging public figure ng dating punong mahistrado.
Pinagbigyan naman ito ni DoJ Senior State Prosecutor Roxanne Bala-
wag, na nagpayo sa media na sa defense lawyer na lang humingi ng kopya ng counter-affidavit.
Sa isang pahayag matapos ang paghahain ng counter-affidavit, idi-niin ni Corona na malisyoso at walang basehan ang sinampang tax evasion case laban sa kanya.
Kumpiyansa rin si Corona na marami pa rin ang kanyang tagasuporta. Aniya, “Ang ipinaglalaban ko ay tama sapagkat kahit na saan kami pumunta hindi nababawasan ang tao na nagpapahayag ng suporta.”
“Marami ang naniniwala sa aming pinaglalaban, maraming hindi nagsasalita, salamat sa paniniwala sa pagpapatuloy sa laban na ito,” dagdag pa ni Corona.
Nakatakda ang su-sunod na pagdinig sa Nobyembre 16, alas-10 ng umaga, kung saan inobliga ang mag-asawang sina Carla at Constantino Castillo III na humarap para sumpaan ang kani-lang joint-affidavit.
Pinagsusumite ng DoJ ang Bureau of Internal Review (BIR) ng sagot sa kontra-salaysay ni Corona.
Si Corona ay nahaharap sa P120-milyong tax evasion case dahil sa umano’y ‘di tamang pagbabayad ng buwis.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.