Coney Reyes, balik-Siyete

Coney-ReyesFORTY YEARS na palang namamalagi sa showbiz si Coney Reyes, and for this ay isang mala-tribute ang igagawad sa kanya ng Startalk this Sunday.

Kay Joey de Leon ipinagkatiwala ni Coney ang pag-iinterbyu sa kanya. It’s not any surprising dahil matagal ding nagsama ang dalawa sa Eat Bulaga many years ago, ‘yun ‘yong panahong there existed a romantic relationship between Coney and Vic Sotto na nagbunga ng isang anak, si Vico.

Kilalang pinakamalapit sa puso ni Coney ang namayapang si Helen Vela that began during their Student Canteen days. Later on, Coney became close to Vilma Santos and Tina Revilla.

Interestingly, may trivia si Coney na ewan kung to this day ay nananatiling trademark niya. Sa tuwing magpapa-make up kasi siya, kailangang may suot na mask ang nagpapaganda sa kanya.

 

PLUS FACTOR ang pagkakasahog kay Dasun Choi sa Picture! Picture! Siya ‘yung tinaguriang Dancing Diva sa You’re My Foreignay ng Eat Bulaga who offers a factual explanation of the correct picture na hinuhulaan ng mga celebrity contestant.

And speaking of this Sunday’s contestants who will battle it out para sa kalahating milyong piso, featured are teen idols and GMA’s Nino lead stars Miguel Tanfelix and Bianca Umali at sina Denice Barbacena at Miggy Jimenez.

Manaig kaya ang kampihan between the teo girls or two boys? Magkuntsabahan kaya sina Miguel at Bianca who belong to the same soap, o kumampi kaya si Miguel kay Miggy na matagal na niyang katrabaho?

Abangan ang isa na namang kapana-panabik na episode ng Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo pagkatapos ng GMA News Weekend.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.