Condom sa krus at jueteng sa Antipolo

PROPHECY PALA NA maituturing o isang mensahe mula sa Diyos ang inilalarawan doon sa iginuhit ni Mideo Cruz na naging kontrobersiyal noong nakaraang buwan.

Sa unang tingin, parekoy, kabastusan nga ang “Kulo exhibit”.

Kaya nga maging ang napakahalagang oras ng Senado ay ginugol upang maimbestigahan lang ang nasabing obra.

At bakit nga naman hindi magiging kontrobersiyal ang nasabing guhit.

Aba eh, ang krus na siyang simbolo ng kaligtasan ng mga kristiyano ay sinabitan ng condom.

In short, ang kaligtasan ng Kristiyano ay sinabitan ng kalibugan!

At maging ang mukha ni Kristo na siyang la-ngit na inaasam ng bawat mananampalataya ay ginawang mapula na mistulang namaga!

Meaning, sa guhit ni Mideo Cruz, ang langit na pag-asa ng isang Kristiyano ay pinapula at pinamaga!

Ngayon,parekoy, magsalita itong mga magaga-ling nating obispo… ngayon nila sabihin na hindi nagkatotoo ang prophetic message ni Mideo Cruz.

Dahil noon lamang isang linggo ay isang dalagita sa Agusan del Sur ang nagsuplong na siya ay ginahasa ng pari na si Fr. Raul Cabunce!

O, hindi ba ito maliwanag na binaboy at sinabitan ni Fr. Cabunce ng kalibugan ang ipinapangaral na krus na sumisimbolo sa kaligtasan?

Sagot kayo, mga magagaling na Obispo!

Hindi ba tama si Mideo Cruz?

Heto pa, ang mukha ni Kristo na simbolo ng pinapangarap na langit ng isang mananampa-lataya… hindi ba’t pinamaga at pinapula ni Fr. Cabunce?

Hak, hak, hak, kahit tingnan ninyo, parekoy, ang resulta ng medical examination sa langit ng biktima…

Magang-maga at pulang-pula!

At ‘yan ay dahil sa kalibugan ni Fr. Cabunce!

‘Yan ang sinasabi natin, parekoy, kaya umiikot ang tumbong ni Padre Damaso sa iginuhit ni Mideo Cruz ay dahil ipinakikita lamang nito ang tunay na kalagayan ng pananampalataya ng isang Katoliko.

Na kung ilang beses nang sinabitan ng kalibugan ang dakilang krus!

At ilan na kayang mukha ni Kristo o langit ang pinapula at pinamaga ng malilibog na alagad ng simbahan?

Mabuhay ka Mideo Cruz!!!

 

ISANG ALYAS BEN Polo at isang alyas Rosales ang kasalukuyang namamayagpag sa larangan ng Jueteng o iligal na sugal sa lungsod ng Antipolo.

Ang masakit, parekoy, pilit na isinasangkot ng kanilang mga “kabo” ang pangalan ng kanilang alkalde.

Na kesyo hindi sila maglalakas-loob na magsagawa ng iligal na sugal sa Antipolo City kung walang basbas ang kanilang alkalde.

Tingnan n’yo, parekoy, ang asal ng mga hinayupak na “kabo” nina Ben Polo at Rosales.

Aba eh, iligalista na nga, “name-dropper” pa!

Paano na lang kaya kung mabasa ni mayor ang kolum na ito?

Tiyak na kaagad kayong mag-aalsa-balutan!

Hak, hak, hak!

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.