Condo developer, Haharap sa Pagsisiyasat

NANGAKO NG kanilang buong suporta at kooperasyon ang developer ng Serendra condominium sa Global City, Taguig, kaugnay sa nangyaring pagsabog na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng limang iba pa.

Ayon kay Antonino Aquino, ang pangulo ng Ayala Land, na bukas umano silang humarap sa anumang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

Nakahanda rin umano silang magbigay tulong sa pamilya ng mga biktima.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na batay sa kani-lang “routine gas leak” sa gusali noon lamang May 28, wala naman aniya silang nakitang kakaiba na posibleng pagsimulan nang insidente.

Una nang tiniyak ni DILG Sec. Mar Roxas na walang sisinuhin sa sinumang lalabas na nagkasala sa insidente.

Sinabi pa ni Roxas na maging ang Ayala Land na siyang developer ay pananagutin kung mapatunayang may pagkakamali sa kanilang istruktura.

Pero masyado pa raw maaga para magturo ng may kasalanan hangga’t hindi pa natatapos ang pagsisiyasat ng PNP, NBI at BFP.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga eksperto ang sanhi ng pagsabog bagama’t lumalabas na walang indikasyon ng bomb residue o fumes.

Nangako rin si Roxas na hindi magtatagal ang pagsisiyasat at walang mangyayaring takipan saan man ang tumbok ng mga makukuhang ebidensya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.