Concert Producer Joed Serrano, natouch kay Vice Ganda

Joed Serrano

NGAYON LANG nagpakilala ang dating That’s Entertainment member and mega concert producer na si Joed Serrano after bringing Celine Dion na nag-concert recently.

Happy kasi ang “mega producer” sa mga kaganapan na nangyayari sa pagiging producer niya.

Sa katunayan, isang touching na eksena ang naganap sa Celine concert nang i-acknowledge siya ng unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda sa nanay ng komedyante na dinig na dinig ng mga tao na nasa paligid na nagmi-miron na si Joed ang kauna-unahang concert producer nagtiwala sa kanya para mag-concert sa Araneta Coliseum,

Memorable for both Vice and Joed as artist and producer ang May 17, 2010 na naglusad na tunay na superstar na si Vice with an SRO show na sinundan pa ng isa  sa The Big Dome noong July of the following year.

Ayon kay Joed: ”It’s a gamble naman sa pagpo-produce and with Vice, nakita ko that he will be a big star, reason kung bakit nag-produce ako sa kanya,” kuwento pa ng mega producer.

Last Saturday, August 4, his J.O.E.D Presents team also produced Sharon Cuneta in Davao with a sold-out concert na super happy ang Megastar with the outcome.

Other shows that he produced were Rico Puno, Alex Gonzaga (Araneta); stand-up comedian Ate Gay (MOA Arena); Alden Richards, Anne Curtis in Bacolod to name a few.

Naging producer din si Joed ng mga shows nina Bamboo, Kitchie Nadal, Lani Misalucha. Sa abroado para sa mga Filipino kababayan natin, nakapag produced din siya ng mga Martin Nievera, Pops Fernandez, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ai Ai delas Alas at marami pa.

Sa mga International artist na nakapag-show na dito sa bansa na produced ng mega producer ay sina James Ingram (his first); The Stylistics, Katy Perry, The Jona Brothers, Psy Gangnam, Boyzone, Pentatonix, Lifehouse and a lot more.

After the sold-out two nights concert ni Celine ay inaayos ngayon ni Joed ang muling pagdating ni Patti Austin and who knows, baka sa mga darating na panahon ay mai-produce din niya si Barbra Streisand.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.