Concert ni Pokwang, isang malaking flop?!

ISANG MALAKING FLOP ang concert ni Pokwang sa Aliw Theater kamakailan lang. Kahit puro sikat na recording artist ang naging special guests niya ng gabing ‘yun, hindi naging effective para siya panoorin! Sorry to say, hindi niya nadala ang sarili niyang show! Hindi man aminin ng producer na si Joe Ed Serrano, milyon ang nalugi sa kanila sa nasabing concert. Nang tanungin siya kung totoo ang balitang flop ang kanilang show ni Pokie? “Sa akin na lang kung kumita o hindi, ayaw kong mag-comment,” malungkot na sabi ni Joe Ed.

Kapag ganito ang naging sagot, walang dudang nilangaw sa takilya ang palabas mo! Pagpapatunay lamang na wala pang box-office appeal sa masa ang singer-comedienne kahit may noontime show pa siya everyday.

Hindi pa kaya ni Pokwang na mag-show sa malaking venue. Please lang, huwag magpumilit! Tuloy, iisipin mo, hanggang Metro Bar na lang ang beauty ni Pokie? Muntik na ngang hindi kumita ang huling show niya sa nasabing bar dahil na-overbudget ito sa dami ng kanyang request.

Nangangarap pa naman si Pokwang mag-concert sa Araneta Coliseum next year. Hanggang ilusyon na lang kaya ang pangarap niyang ito? Wala naman kasing originality itong si Pokie. Mala-Aruray ang looks, pagdating sa pagpapatawa nag-aala-Ai Ai delas Alas, pati outfit at concept, ginagaya ang Comedy Queen.

May tsika pa ngang naghakot diumano ng mga tao sa ASAP ang grupo ni Pokwang para lang magmukhang maraming tao. Binuksan pa nga raw ang main door ng Aliw Theater for free para mapuno ang venue. Pero kung pagbabasehan mo raw ang ticket selling, wala pa sa kalahati ang totoong nagbayad para manood ng concert.

Pinabulaanan ng grupo ni Pokwang ang tsismis na hindi kumita ang kanilang show. Katuwiran nila, napakalakas ng ulan ng gabi ng concert. Hindi man super hit, ang importante hindi nalugi ang producer, pagdidiin ng kampo ni Pokie. Ang tanong, bakit parang wala sa sarili ang produ kapag napag-uusapan ang concert ni Pokwang? Isang masamang panaginip para kay Joe Ed, ayaw na niyang maalala! Ganu’n?

ITO ANG TOTOO! Successful ang 1st solo concert ng Pilipinas Got Talent champion na si Jovit Baldivino na “Faithfully” sa Aliw Theater last November 13. Pinanabikan ng publikong mapanood nilang mag-perform nang live ang kanilang idolo. Maaga pa lang, nakapila na ang mga fans bitbit ang mga tarpaulin ni Jovit para suportahan ang hinahangaan nilang singer.

Kahit halatang may kaba at nerbiyos si Jovit sa opening number, bigay-todong nararamdaman namin with feeling ang lyrics ng kanyang awitin. Nang sumunod na song numbers ng binata, na-relax na ito, buong husay niyang nabigyan ng justice ‘yung melody of the song. Napakaganda ng selection of songs na inihanda ni Nyoy Volante para kay Jovit na siyang musical director. He put new twist on those songs, something new for the singer.

First time ni Nyoy to be musical director since he joined the Star Magic’s stable of talents. Malaki ang paghanga niya sa ganda ng boses ni Jovit. “Marami pa siyang puwedeng ibigay as a singer and I believe malayo pa ang kanyang mararating,” say ng singer/composer.

Nakaragdag saya ng gabing ‘yun sina Melai Cantiveros and Jason Francisco with their sing and dance number. Matindi rin ang solo and duet ni Yeng Constantino with Jovit na kinakiligan ng manonood.

Siyempre, pinakamatindi ang tilian, palakpakan nang lumabas on stage sina Kim Chiu and Sam Milby. Nagbigay sila ng kani-kanilang solo numbers na ikinatuwa ng kani-kanilang mga tagahanga.

Again, congratulations Jovit!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

25 thoughts on “Concert ni Pokwang, isang malaking flop?!

  1. INGGIT KA LANG KAY KRIS AT POKWANG…HALIMAW KA!!!!!!!!!!!!!! BWAHAHAHAHAHAHAHA BASURA TALAGA ITONG SI SHREK ESTAFADIRA SPERMIN……….BWAHAHAHAHAHA

  2. Boses ni Pokwang at ni KRISTD QUEEN OF ALL VIRUSES ay prehong nakakairita. Different voice quality but annoying just the same.

  3. tang inang muka ni jovit yan….. dapat dyan masilyahin eh! saglit lang yan tatapon na rin ng ABS yan. pagtatrabuhan lang niya yung kontrata niya sa dos tapos dedbol na. balik sa pagbebenta ng siomai.

    • aliw theather na pang barangay libre pa nga tiket kung malakas ka sa guard…di pa napuno..baka akala ng mga tao may freak show at natakot mga bata…baka inisip nila may horror movie at aswang na kakanta

    • dyos ko..sa aliw theather di pa napuno…pang barangay na venue tsk tsk…masyadong matayog ang ilusyon..tsk tsk…walang iba nman alam kantahin…pwee

  4. sucess ang concert ni Jovit dahil guest si Kim Chiu
    ang new superstar! karamihan nang nanood ay fans
    ni Kim. Kung wala si Kim baka hindi successful ang
    concert. let’s face it Jovit is not a big star yet, marami
    lang exposure sa television, pero hindi pa siya superstar
    para pilahan nang tao ang concert niya, kailangan pa
    niya ang big guest tulad ni Kim para maka-kuha nang
    maraming tao. It is the truth.

    • i agree with you antonio, jovit is over-hyped masyado, magiging bugoy din si Jovit; a flash in the pan. Sa showbiz, only few are chosen to stay that long..

  5. araw araw napapanood si Pokwang sa tv ng libre, kaya
    bakit magbabayad ang mga tao para panoorin siya?
    kung ano ang nakikita kay Pokwang sa tv, tiyak
    ganoon din sa concert niya, kaya bakit magbabayad pa?
    Over exposed kasi ang mga artist ngayon, kaya pati
    mga pelikula nila bihirang umabot sa 100 million pesos
    sa takilya, hindi na sabik ang mga fans dahil nakikita sila
    sa tv araw araw kaya bakit magbabayad sa sinehan para
    panoorin sila?

  6. wala ng wowoweee kaya wala na ring career si pokwang…… laos na.. lagi na lng flop mga palabas na kasama sya…

    good for you poki!!!!

  7. Yeah super sucesful ng concert,,, thanks sa support nyo,,, and congrats bundoy for a very good job,,, Jovitnatics luvs u soo much,,,

  8. Ito naman kasing si Pokwang, may pagka hambog din at sa paningin ko lang ha parang may air din sa utak. Kong mag host akala mo kong sino, sometimes hindi niya napansin na ang binitawan nya na line or jokes, parang nakainsulto na, sometimes makita mo sa mukha ni rico j na nainis sometimes. Sana Pokwang will slow down at huwag na nyang gawin ang catwalk nya sa PWNW na parang model, yong lakad ba na sideways, corny na corny.

  9. SUMIKAT LANG SI POKWANG DAHIL KAY WILLIE AT WOWOWEE!!! WALA NG WOWOWEE, WALA NG WILLIE, TIGOK NA SI POKWANG!!!

  10. jovit’s concert was excellent. ilang beses tumayo balahibo ko sa boses nya. superstar na talaga sya. sobrang galing din nang melason hahah. aliw na aliw ang ang mga tao saknila.. simula nung nag duet si melai and jovit hanggang sa sumayaw ang melason kaloka ang tilian hahaha.. love it..

  11. oowwwwveerr sa galing ang concert ni jovit.. worth it talaga ung binayad ko saknya hahaha.. huuwaat? malakas tili kay kim chui?? weeehh hindi nga> hahaha.. hindi naman, mas malakas pa sa melason..

  12. I was there, jovit’s concert.. very true successful talaga ung show niya as in.. pero hinid naman po totoo na sobrang lakas nang tili kay kim chui.. bilang lang ung taong tumili for her.. wag mag make up nang story okay? pero tama ka na malakas kay sam milby and sobrang saya din nung production no. nang melason.. mas malakas pa nga tili for melason kay kay kim noh..

  13. Yes, agreed. Grabe tao sa concert ni Jovi, sabik kasi sila makita at kumakanta ng personal si Jovit, lagi na lang kasi sa tv, radio lang. Also, Kim makes the difference.

    In fairness, Pokwang did well naman. Nataon lang na malakas ang ulan, some already booked, ayaw ng mabasa at nagback out. Pero kung no rain, ful packed sigurado.

  14. Hindi naman po flop show ni Pokwang..hindi lang masyadong puno..

    …Unlike kay Jovit..susmaryosep, aga pa lang e isang kilometro na ang pila, isa pa dahil guest niya si Kim Chiu..sobrang kapal ng tao..marami nagrerequest..next venue sa Araneta Colisium. Too many surprise, unsuspecting fans being there..like mega rich Marck Jimenez and his kids to name a few.

Leave a Reply

Your email address will not be published.