Concert ni Lady Gaga banned sa Indonesia?!

Angelina Jolie

Picture 1 of 2


MATUTULOY PA
kaya ang supposedly concert ni Lady Gaga sa Indonesia na gaganapin sana sa June 3? Balita kasing banned ang nasabing singer sa pagtatanghal nito sa nasabing bansa dahil sa risqué persona at racy get ups nito.

Ayon pa sa spokeman ng Indonesian national police na na-deny ang permit ng June 3 show ni Lady Gaga, kung saan ang Indonesia ang magiging biggest stop ng kanyang recently launched Asian tour at balitang sa isang 52,000 seater Gelora Bung Karno stadium sa Jakarta sana magtatanghal ang singer.

Nagdesisyon ang mga Indonesian national police na i-deny na nila ang permit ng show ni Lady Gaga para raw makaiwas sa malawakang protesta na maaaring maganap na maglalagay sa peligro sa mga tao.

Ilan sa mga conservative groups tulad ng Islamic Defenders Front ang nagpahayag ng kanilang protesta para hindi makapagtanghal ang singer dahil sa “satanic lyrics” ng mga awit ni Lady Gaga, na ayon sa kanila ay maaaring makasira sa sense of morality ng mga tao lalo na ng mga bata.

Pangalawa na ito sa problemang na-encounter ni Lady Gaga para sa kanyang Asian tour. Una nang nagkaroon ng protesta sa South Korea mula sa Christian groups, kung saan ‘di nila sinang-ayunan ang “pornographic” performances ni Lady Gaga na nagpo-promote daw ng homosexuality.

 

ISANG $1.6M HELICOPTER, REGALO NI ANGELINA KAY BRAD PITT!

 

HINDI PA man naikakasal ang pouty-lip actress na si Angelina Jolie sa kanyang hunky soon-to-be-hubby na si Brad Pitt ay isang helicopter daw at flying lesson ang regalo nito na nagkakahalaga ng $1.6 million!

Ayon sa isang source na malapit sa couple, “They’ve had a helicopter pad installed in the grounds of their South of France home, Chateau Miraval, so Ange thought it would be nice to buy Brad a helicopter as a surprise present. But even though Brad has his private pilot’s license, he still needs to take a few flying lessons, which he start straight away.

 

AFTER NG THERAPHY LINDA HOGAN, INISPLITAN ANG BATANG JOWA!

 

MATAPOS ANG isang therapy at soul-searching ay nagdesisyon na ang ex-wife ni Hulk Hogan na si Linda Hogan na makipag-split sa napakabata nitong boyfriend na si Charley Hill na 23 years old lamang.

Sa post niya sa kanyang Facebook account ay sinabi ni Linda na, “Ok… My status has changed. I am now single. After the great therapy we had together and time to think and concentrate on who we are and who we want to be, Charley and I decided that we should each travel through life in different directions.”

Si Hill ay one year younger sa anak ni Linda na si Brooke, kung saan naging schoolmate pa nito ang batang jowa ni Linda.

Nagkakilala sina Linda at Charley noong 2008 kung saan pinagtaasan sila ng kilay ng mga tao dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad.

 

MASAHISTANG UMAKUSA KAY JOHN TRAVOLTA NG SEXUAL HARASSMENT, INIATRAS NA ANG KASO!

 

INIURONG NA ng unang masseur na nag-akusa sa aktor na si John Travolta ang demanda nitong sexual battery.

Ayon sa attorney ni Travolta na si Marty Singer, confident siya na mangyayari ito at umaasa siyang susunod na rin ang pangalawang umaakusa sa aktor na iatras na rin nito ang kasong isinampa laban sa aktor.

“My client is completely vindicated by John Doe No. 1 dropping his claims and dismissing his lawsuit. We fully expect that my client will similarly be vindicated with respect to John Doe No. 2, as well as with respect to any other person who makes meritless claims against John Travolta.”

Dagdag pa ni Singer na sa simula’t simula pa lang daw ng mga alegasyon laban kay Travolta, naniniwalang siyang “absurd ang ridiculous” daw ang mga paratang sa kanyang kliyente.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.