Computerization Program ng BOC, Pinigil ng Korte

PINIGIL NG korte sa Maynila ang implementasyon ng kontrata para sa computerization program sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ay makaraang magpalabas ng writ of preliminary injunction si Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 55 Judge Josepina Siscar para pigilan ang BOC Special Bids and Awards Committee na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Peter Manzano, chairman at Deputy Commissioner Caridad Manarang, vice chairman, sa pagpapatupad ng kontrata ng nanalong bidder para sa proyektong tinawag na Integrated Philippine Customs System.

Maaalala na napunta sa joint venture ng Webb Fontaine LLC at local partner nitong kumpanya na Grow, Incorporated ang proyekto na nagkakahalaga ng P500 milyon.

Kinuwestyon din sa korte ng isa pang bidder na OMNI Prime Marketing Incorporated sa pamamagitan ng pangulo nitong si Annabelle Margaroli kung bakit iginawad pa rin ng Bids and Awards Committee ng BOC ang kontrata sa Webb Fontaine gayung nadiskubreng peke ang mga dokumento na isinumite nito sa kanila.

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) sa matapang na pagbunyag ng petitioner sa maanomalyang kontrata na minaniobra umano nina Manzano at Manarang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.