Comprehensive Agreement ng Bangsamoro, pipirmahan na sa Marso 27

PIPIRMAHAN NA sa Marso 27 ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang isinasapinal pa kung saan ito gaganapin.

Kinumpirma ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na matapos ang 17 taong negosasyon ng pamahalaan sa MILF ay magkakaroon na ng political settlement sa dalawang panig.

Aniya, higit na makatutulong ito sa ikauunlad at ikatatahimik ng Mindanao.

Naimbitahan din sa pirmahan ang unang kardinal mula Mindanao na si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.

Aniya, si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang mismong nag-anyaya sa kardinal.

Nakapaloob sa CAB ang mga annex na una nang nalagdaan ng dalawang panig.

Magbabalangkas na ng draft ng Bangsamoro Basic Law matapos malagdaan ang CAB.

Isusumite naman ito sa punong ehekutibo para matalakay at maisabatas ng Kongreso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.