Commuters Group, Nag-protesta sa Southwest Terminal

NAG-PROTESTA ANG gru-po ng mga commuter sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa may Coastal Mall sa Parañaque City.

Ito ay upang iparating sa mga kinauukulan ang reklamo ng mga biyahero mula Cavite at Batangas na nahihirapan sa tatlong araw pa lamang na paggamit sa bagong terminal.

Sa loob sana ng terminal magra-rally ang Coalition of Filipino Commuters (CFC), pero pinagbawalan sila kaya sa harap na lamang ng terminal nagsagawa ng pagkilos.

Sinabi ni CFC Spokesperson Ernalyn Gimada na dagdag-pahirap sa kanilang mga ordinaryong mamamayan ang common terminal. Pinaka-apektado anila ang kanilang pasahe na nadodoble.

Ramdam na nga nila ang hirap ng bus ban sa Maynila, dinagdagan pa anya ng Southwest Terminal na susundan pa ng pagtatayo ng kaparehong terminal sa North at South Metro Manila.

Binigyan ng 30 minuto para magpahayag ng kanilang saloobin ang CFC, pero umabot sila ng isang oras sa nasabing lugar.

Samantala, naging tahimik ang kanilang pagkilos habang nakaantabay ang mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.