Commander ng Sulu Royal Army, Dakip sa Sabah

INARESTO NG Malaysian forces ang pinaniniwalaang commander ng royal army ng Sulu Sultanate sa Sabah, Malaysia.

Base sa report ng Bernama, news agency na pag-aari ng gobyerno ng Malaysia, sinasabing naaresto ang hindi pinangalanang commander na nasa edad 40 kasama ang asawa nito.

Ayon kay Deputy Inspector-General of Police Tan Sri Khalid Abu Bakar, naaresto ang commander bandang alas-10:00 ng gabi noong Biyernes sa Kampung Tanduo at ngayo’y nasa kustodiya na ng mga kinauukulan.

Nasakote rin ang umano’y umaktong coordinator ng mga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu na nagtungo sa Sabah para igiit na pag-aari ng mga ito ang rehiyon.

Lumalabas din sa ulat ng state-owned news agency, ang naturang coordinator ang nag-aasikaso ng matitirhan, pagkain at gamot para sa royal army.

Samantala, sa ulat naman ng The Star, sinasabing nasa 408 na ang mga ina-resto simula nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Malaysian forces at royal army.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.