Commandant ng CAT, Inambus

SINUNDO NI Kamatayan ang isang guro nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem ang biktima habang lulan ng kotse nito sa North Cotabato.

Ayon sa awtoridad maaaring pinaslang ang biktimang si Sherman Mark Duerme, 26-anyos, dahil sa trabaho bilang commandant ng Citizens Army Training (CAT) ng M’lang National Highway School-Annex sa Barangay Lepaga.

Ayon sa inilabas na report ni Sr. Insp. Rolando Dillera, M’lang police deputy chief, lulan ang biktima ng kanyang Honda XR 200R nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan naman ng walang plakang motorsiklo at pinaulanan ng bala si Duerme.

Giit ng kapatid ng biktima na si Shane Duerme, wala umanong kaaway o kaalitan ang kanyang kapatid sa eskwelahang pinapasukan nito.

Kaugnay nito, naitala na pangatlo na pala si Duerme sa mga taong pinaslang sa North Cotabato simula nang ilatag ang Election Gun Ban.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.