Comm. Alvarez, bigo sa target ng Customs

INAMIN NI COMMISSIONER Angelito Alvarez na hindi niya makakaya-nan na makamit ang P280 bilyon yearly target goal  “prompting him to raise the white flag in his five month stint in the bureau of customs.”

Ayon kay Alvarez, kaya hindi niya makukuha ang koleksiyon sa taon ay dahil sa paghina ng kanilang koleksiyon resulta sa  zero tariff sa mga dumara-ting na imported items sa bansa katulad ng oil, motor vehicles, steel sheets, at wheat flour.

Pinabulanan naman ng customs  insider  ang  na-

ging pahayag ni Alvarez sapagkat anila, wala siyang karanasan, o knowledge sa customs operations at dapat ayon pa sa mga bumabatikos kay Alvarez, ang pinili ng kanyang handlers ay ang mayroong malawak na karanasan sa customs.

Sa ngayon, binubuno ni Alvarez ang P28 bilyon shortfall magmula buwan ng Enero hanggang November 2010, ngunit magtatapos na ang taon, wala pa ring pagbabago sa koleksyon ng byuro.

Si Alvarez ay naka-takdang magsumite ng kanyang performance report sa pangulo bago pumasok ang taong 2011, at may hinala ang mga kawani ng BOC na hindi magugustuhan ni P-Noy ang resulta nito. Na siyang magiging dahilan sa early departure nito sa pamunuan ng byuro, kapag nadismaya si Pa-ngulong Benigno Aquino III sa naging resulta sa koleksyon sa taong ito.

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.