Comelec: Vote Fixers, Kumikilos na sa Visayas

PATULOY NA minomonitor ng Commission on Elections (Comelec) ang mga impormasyon ukol sa vote fixers na nagsisimula nang kumilos sa mga lalawigan.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na malaking konsentrasyon nito ay natukoy nilang nag-ooperate sa Visayas region.

Modus opendi ng mga vote fixers ang paglapit sa mga pulitiko para humingi ng pera, kapalit ng kani-lang panalo sa nalalapit na eleksyon.

Ilan sa mga ito ay hini-hingan ng P15 ang kandidato sa bawat boto na kanilang makukuha sa mga partikular na lugar.

Samantala, kalaunan umano ay wala naman talagang mapapala ang pulitiko dahil paraan lamang ito ng ilang kawatan para makapanloko.

Dahil dito, binalaan ni Jimenez ang mga kandidato na umiwas sa mga ganitong panloloko dahil posibleng dobleng pagkatalo lamang ang kanilang kahantungan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.