Comelec sa Kongreso: Imbestigahan ang 2013 polls

INALMAHAN NG isang election lawyer ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na muling ipagpaliban ang barangay election sa Oktubre.

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na marami pang panganib para sa poll body kung matutuloy ang plano nito.

Walang kapangyarihan ang Comelec na gumawa ng batas para ipagpaliban ang eleksyon kaya irerekomenda pa ito ni Chair Sixto Brillantes sa Kongreso na siyang may awtoridad na isabatas ang panukala.

Ngunit para kay Macalintal, maging ang hakbang na ito ay ilegal dahil mapapahaba nito ang termino sa puwesto ng mga nakaupo at mahahalal na opisyal.

Nangyari aniya ito sa ARMM, ngunit nang iakyat ito sa Supreme Court, si-nabi ng Korte Suprema na iba ang kaso sa rehiyon at hindi maaaring ihawig sa barangay polls.

Malalabag aniya ng postponement ang maliwanag na tatlong taon lamang na kontrata ng mga botante sa kanilang opisyal.

Ayon pa kay Macalintal, ang kaso ng mga Sangguniang Kabataan (SK) at ibang opisyal na posibleng lumampas na sa edad at taon ng serbisyo na maaa-ring mas mahaba pa sa kanilang mga alkalde at gobernador.

Bagama’t plano pa lamang ito ng Comelec, maaari naman itong habulin sa SC sakaling maipatupad.

May mga kababayan din aniya tayong nais nang magpalit ng barangay officials na siyang nagagawa ng eleksyon.

Hindi naman kinagat ni Macalintal ang depensang magastos para sa Comelec ang pagdaraos sa Oktubre ng halalan dahil nasa batas ang paglalaan ng pamahalaan ng pondo.

Kung kakulangan naman sa preparasyon ang depensa ng Comelec, hindi aniya isasabatas ang magkasunod na eleksyon kung hindi ito kayang gawin.

Mainam aniyang gawin na ang barangay polls kung kailan “halos wala nang pera ang mga pulitiko, naubos na nu’ng nakaraang halalan.”

Samantala, bababa rin aniya ang vote buying sa kawalan ng pinansyal na suporta mula sa mga pulitiko.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.