COMELEC, responsable sa pagkawala ng testigo

KUNG MAY dapat lang papanagutin sa pagkawala ng isa sa 12 testigo ang Commission on Elections (Comelec) sa electoral sabotage, ito’y walang iba kundi ang nasabing ahensiya.

Ito ay ayon kay Reynaldo Princesa, abogado ng dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol na kabilang sa mga akusado matapos ma-lamang hawak na ng Comelec sa kanilang safe house ang saksing si Rosa Mabang, su-balit nawala pa ito.

Nauna nang sinabi ng mga abogado ng Comelec na may ilang grupo na ang kumakausap sa kanilang testigo para umatras.

Base naman sa tala ng Pasay Regional Trial Court Branch 112, hindi naisailalim sa witness protection program si Mabang at si Nory Una, ang sinasabing pangunahing testigo na mag-uugnay umano kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa dayaan sa resulta ng 2007 elections mula sa Maguindanao.

Ngayong araw itinakda ang pagdinig sa mosyon ng Comelec na humihiling sa korte na mag-isyu ng warrant of arrest para hulihin ang kanilang testigo na si Mabang, gayundin ang mosyon na pagbigyan si-lang maiharap ang huling testigo na si Nory Una.

Maaalala namang tinapos na ng korte ang paghaharap ng Comelec ng kanilang testigo dahil sa ilang ulit na pagkabi-gong maiharap sina Mabang at Una. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “COMELEC, responsable sa pagkawala ng testigo

  1. Pingback: COMELEC, responsable sa pagkawala ng testigo - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.