Comelec Reso Kontra Survey Firm, Pinigil ng SC

PINIGIL NG Korte Suprema ang ilang bahagi ng Commission on Elections (Comelec) resolution na nag-uutos sa mga survey firm na ilahad ang pa-

ngalan at iba pang personal na impormasyon ng kani-kanilang subscriber.

Base sa isinagawang en banc session ngayong araw, partikular na inaksyunan ng mga mahistrado ng Supreme Court  (SC) ang inihaing petition for certiorari ng Social Weather Stations at Pulse Asia laban sa Comelec Resolution No. 96-74.

Sinabi ng SC Public Information Office, partially granted ang hiling na temporary restraining order (TRO) ng dalawang survey firm kontra sa pag-iral ng naturang resolusyon na ipinalabas bago ang midterm elections noong Mayo.

Kaugnay nito, inatasan din ng SC ang Comelec na magkomento sa nabanggit na petisyon.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, inatasan ng Comelec ang mga survey firms na pangalanan ang mga commissioner, payor at subscriber ng kanilang mga pre-election survey na isinagawa mula February 12, 2013 para sa kaukulang beripikasyon.

Sinimulan na rin ng ng Comelec Law Department ang preliminary investigation laban sa mga naturang survey firm dahil sa pagmamatigas ng mga ito na sumunod sa nabanggit na kautusan.

Samantala, Nagpasak-lolo naman ang SWS at Pulse Asia sa SC para igiit na sila ay posibleng maharap sa walang batayang preliminary investigation, malitis sa isang krimen na nilikha ng Comelec na hindi naman umiiral sa ilalim ng ating mga batas at mapilit na mailantad ang mga impormasyon na itinuturing na confidential.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.