Comelec Registration, Nauwi sa Rambol

NAGRESULTA SA suntukan at panghahampas ng silya ang nangyari sa Comelec registration sa General Santos City na nag-iwan ng tatlong sugatan at maraming mga nag-panic.

Ang mga nasangkot sa naturang laguluhan ay kinilalang sina Shani Kudinisa, 18, magsasaka; Jobert Villajuan, 23, na kapwa taga-Brgy. Olympog, GenSan; Lemuel Landao Jr na taga-Dacville Mabuhay sa lungsod at isang hindi nakilalang lalaki.

Ayon sa nakakita na si Ging-ging Lopez, nagsi-mula sa girian at pagsingit sa mahabang pila na gustong magparehistro ang naturang gulo.

Umabot sa labu-labo ng ilang mga botante na nauwi pa sa panghahampas ng silya ang sitwasyon.

Ikinasugat naman ito ni Landao sa pisngi, habang isang nagngangalang Toto Ansong na taga-Brgy. Mabuhay ang nasugatan sa noo.

Kaagad namang nirespondehan ng Pendatun PNP at mga Civil Security Unit ang insidente kaya’t napahinto ang gulo.

Dinala sa presinto ang mga nasangkot at naareglo ang mga ito matapos humingi ng tawad ang bawat kampo.

Dahil naman sa  nangyaring insidente, dinagdagan na ang presensya ng mga pulis sa Comelec office para hindi na muling mangyari ang kaguluhan.

Samantala, pinayuhan din ang mga magpaparehistro na maging maaga para hindi maabutan ng mahabang lpila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.