Comelec: Price Limit sa mga Giveaways, Reresolbahin

RERESOLBAHIN NG Commission on Elections (Comelec) ang usapin ng hangganan sa halaga ng mga giveaways sa mga isinagagawang political rally sa lokal at national level.

Ito ang  sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes kasunod ng mga ulat na may mga namimigay ng cellphone, t-shirts, bags at iba pang kagamitan sa mga political sortie.

Isa sa puntong lilinawin ay kung maitutu-ring itong vote buying o labag sa alituntunin ng poll body.

Sa kaso kasi ng mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa Valenzuela, isang supporter ang namigay ng cellphone at hindi ang mismong kandidato kaya itinuturing ito ng ilang abogado na gray area.

Samantala, inaasahang dadaan ang bagay na ito sa matinding debate at posibleng mailabas ang bagong resolusyon sa susunod na linggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.