Comelec officer, Utas sa Ratrat

TULUYAN NANG binawian ng buhay ang Commission on Elections (Comelec) officer ng Isabela City sa Basilan na tinambangan kamakalawa.

Lumalabas sa ulat ng mga awtoridad na pauwi na ang biktima na si Daryll Kinazo Arevalo, 45-anyos, nang barilin ng riding-in-tandem gunmen sa may highway ng Barangay Baluno, Lamitan City, Basilan.

Napag-alaman na galing pa sa opisina ng Comelec sa siyudad ng Isabela ang biktima at nag-supervise sa unang araw ng special registration day na itinakda para sa mga tinatawag na persons with disability (PWDs).

Samantala, hindi pa matukoy ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sinabi ni kay Police Supt. Allan Nazarro, ang hepe ng Isabela City police na isa sa mga anggulong lumabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na posibleng motibo sa krimen ay ang pagiging opisyal ng Comelec ng biktima.

Sinasabing plano na sana ng biktima na lumipat sa munisipyo ng Sumisip, Basilan dahil na rin sa political rivalry sa kanyang area of responsibility.

Ang pangalawa ay ang dating posisyon ng biktima bilang election officer ng Albarka Municipality, kung saan may ilang pulitiko rin doon ang nagalit sa kanya.

Pangatlo ay ang marital problem nito dahil napag-alaman na hindi na nagsasama sa iisang bahay ang biktima at asawa nito na umano’y ibang lalaki na ang kinakasama.

Wala pa ring malinaw na motibo sa pagpatay sa biktima at patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon para maresolba sa mas lalong madaling panahon ang naturang kaso, paglilinaw ng opisyal.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.