Comelec officer, binoga sa ulo

PATAY ANG isang opisyal ng Commission on Election (Comelec) sa bayang ito matapos barilin sa ulo ng hindi na-kilalang riding in tandem sa Brgy. 3, sa bayan ng Ma. Aurora, lalawigan ng Aurora.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Regional Director P/Chief Supt. Edgardo Ladao, kinilala ang biktima na si Romualdo “Waldo” Palispis, 51 anyos, residente  ng naturang lugar, at kasalukuyang Comelec Assistant Officer sa bayang ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Ma. Aurora Police, dakong alas-8 ng gabi nang barilin ito habang naggigitara sa sala ng kanilang bahay.

Nabatid na malapitang  binaril ang biktima sa kanyang ulo ng dalawang hindi nakilalang suspek lulan ng motorsiklo na walang plaka na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon naman sa kuwento asawa ng biktima na si Sol Palispis, kasalukuyan raw siyang nakahiga nang marinig ang isang putok ng baril na nu’ng una’y inakala raw niyang sumabog ang amplifier na gina-

gamit ng kanyang asawa habang naggigitara, at nang tingnan niya ito ay naliligo na sa sarili nitong dugo.

Sinubukan pang isinugod sa Ma. Aurora Community Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang sa Comelec officer.                 (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.