Comelec office sa Bacolod, nilooban

NEGROS OCCIDENTAL – NILOOBAN ng hindi nakikilalang mga kawatan ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Bacolod City.

Ayon kay Sr. Insp. Lester Leada, hepe ng Bacolod City PNP, isinagawa ang pagnanakaw noong Biyernes ng gabi.

Sa salaysay ni Zaldy Mabunyog, 44-anyos, at utility personnel ng naturang tanggapan, natuklasan niya ang panloloob dakong alas-8 ng umaga, kung saan nawawala ang computer kasama ang LCD, mouse, power supply at telebisyon.

Naghihinala naman ang otoridad na posibleng inside job ang pagnanakaw dahil walang marka ng forced entry na posibleng mismong sa main door dumaan ang magnanakaw.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kasabay ng pagkalap ng finger print sa nasabing tanggapan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.