Comelec: Nuisance Remarks, ‘Di P’wedeng Baguhin

HINIKAYAT NI Comelec Chairman Sixto Brillantes ang publiko na tulungan silang salain ang napakaraming naghain ng certificate of candidacy (CoC) sa buong bansa.

Sinabi ni Brillantes na sa pamamagitan ng petisyon ay maaaring tutulan ang kandidatura ng isang pulitiko, lalo na kung ito ay may kuwestiyonableng pagkamamamayan, nagkaroon ng mga paglabag sa sensetibong batas, natukoy na ibig lamang manggulo sa proseso ng eleksyon at iba pa.                                                                                                                   Maaaring ihain ang nasabing petisyon hanggang sa araw ng Miyerkules.

Kasabay nito, bubusisiin naman ng poll body ang mga inihaing CoC upang matukoy ang mga lehitimo at maging ang mga nuisance candidates.

Hindi naman maaaring baguhin ang pagtawag ng ‘nuisance’ dahil lamang sa mistulang pagiging magaspang ng naturang titulo, giit ni Brillantes.

Ito kasi ang nasa batas kaya kahit mabigat pakinggan ay mananatili ang salitang ito para idiskuwalipika, paliwanag ng opisyal.

Una rito, sinabi rin ng ilang Comelec official na ibig nilang baguhin ang bansag na “nuisance” at gawin itong unpopular candidates na lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.