Comelec, Nagmatigas sa Isyu ng Airtime Limits

NAGMATIGAS ANG Comelec sa isyu ng airtime limits ng mga political ads na sasahimpapawid sa mga radyo at telebisyon.

Base sa patakaran ng komisyon, mananatili sa 120 minutes ang papayagan para sa TV pol ads, habang 180 minutes naman sa lahat ng radio stations.

Noong 2010 presidential elections, per station ang pagbibilang ng airtime broadcast ng mga political propaganda, subalit ngayon ay aggregated na ito na nangangahulugang hahatiin ang 120 o 180 airtime ng pulitiko, maging ito ay national o local aspirant.

Samantala, positibo pa rin si KBP president Herman Basbaño na sa huli ay magbibigay daan pa rin ang Comelec lalo’t maaari itong mangahulugan na hindi na mararating ng political broadcast ang mga nasa probinsya kung dito pa lang sa Metro Manila ay ubos na ang napakaliit na airtime na pinapayagan ng poll body.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.